^

Kutob

Setyembre 15, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Upang maiwasan na magkaroon ng problema tungkol sa pera at gastusin, ayusin ang accounting at pagba-budget. Ang akala mong nawala ang iyong naimpok, nagkakamali ka dahil napupunta ito sa pamimili ng gamit na hindi gaanong kailangan. Magtipid at mag-impok. Lucky numbers at color for the day ang 15, 19, 21, 33 at ruby red.  

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Iwasan ang magsugal dahil tiyak talo ka at hindi lamang sa pera, kundi maging ang panahon at pagkakataon ay nasasa­yang. Ibuhos ang atensyon sa kasalukuyang ginagawa dahil magbibigay ito ng malaking pakinabang. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 31, 44 at maroon.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Dahil sa tagumpay sa buhay, kakainggitan ka ng iyong mga kakilala o mga taong malapit sa’yo. Mag-ingat dahil ang iyong negosyo o pinagkakakitaan ay gagayahin ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 29, 38 at cream.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkasintahan o mag-asawa, ngayon magkakaliwanagan at magkakaroon ng magandang solusyon. Matutuloy ang binabalak at magkakaroon ng positibong resulta. Lucky numbers at color for the day ang 18, 34, 37, 42 at red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) May susukat kung hanggang saan ang iyong pasensya sa tahanan o pinapasukan. Kung ipaglalaban ang prinsipyo, tiyak hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Ang magandang gawin ay maging mahinahon at magpasensiya. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 29, 37 at brown.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kung talagang labag sa loob, huwag magkunwari, magpa­katotoo. Maging totoo sa sarili at sa kapwa. Walang masama kung magsasabi ng totoo. Ang masama ay magkunwari at maging plastic. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 26, 28 at ivory cream.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Habaan ang pasensiya. Huwag pairalin ang init ng ulo. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon. Pag-aralan muna ang mga bagay-bagay bago kumilos. Tiyakin sa sarili kung tama o mali ang gagawing hakbang upang hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 29, 42 at beige.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Sa simula lamang ang saya at kalbaryo sa huli ng bawal na relasyon, kaya dapat lamang iwasan na masangkot dito. Nakapaligid ang may pagnanasa at aakitin ka. Mag-ingat. Magdadalawang-isip ka sa iyong gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 29, 36, 37 at lemon green.

 

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kailangan ang matibay na paninindigan at lakas ng loob sa iyong napasukan upang magtagumpay. Kung tatalikuran ito, talo ka sa pera at panahon. Ituloy kung ano ang sinimulan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 14, 35 at gray.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Hayaan munang humupa ang galit bago kausapin o harapin ang tao. Kung galit si mister o si misis, tumahimik at huwag magkomento upang maiwasan ang lalong paglaki ng gulo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 22, 39 at blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang lalapit sa iyo ay may kailangan pinansiyal o payo. Kung kayang paunlakan gawin. Pero kung hindi, sabihin sa magandang paraan. Magagamit mo ang iyong ESP dahil malakas ito ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 16, 22, 31, 34 at yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Kung patatangay sa mga alok ng kaibigan, masisira ang iyong kinabukasan. Alala­hanin na walang ibang gumagawa ng iyong kinabukasan kundi ang sarili. Kung mag-aaral, harapin nang buong puso at tatag. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 26, 41 at orange.

 

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with