Setyembre 14, 2019
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Anumang tulong na ibinigay sa iba, huwag asahan na may kapalit dahil maghihinanakit ka lamang. Anuman ang mangyari, ang utang ay utang na dapat bayaran. Huwag kang magpautang o magpahiram ngayon dahil hindi ka mababayaran o hindi makakabayad sa pangakong panahon at magiging daan nang hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 13, 14, 34, 44 at purple.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Hindi maiiwasan na makahingi ng pabor. Kung mainit ang ulo ng mahal, upang maiwasan na mauwi sa hindi pagkakaunawaan, makakabuting huwag pansinin at tumahimik na lamang. Lucky numbers at color for the day ang 17, 18, 38, 42 at blue.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) May pangyayari sa loob ng tahanan o pinapasukan na hindi magugustuhan, na siyang magiging sanhi ng pagkakairita. Pasensiya at hinahon ang kailangan sa sitwasyon para hindi mauwi sa gulo o may maghinanakit. Lucky numbers at color for the day ang 16, 22, 36, 37 at red.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maging alerto sa isang kaibigan na magyayaya. Huwag pumayag sa hihinging pabor dahil ikaw ang masisira. Magiging maganda ang resulta ng lahat ng bagay sa panig kung magiging positibo ang isip. Lucky numbers at color for the day ang 17, 19, 27, 38 at violet.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Hindi biro ang gagawing desisyon, kaya kumunsulta sa magulang, minamahal o isang psychic para magkaroon ng maganda at tamang gabay. Kung sarili mong desisyon ang magiging batayan, tiyak magsisisi ka sa bandang huli. Lucky numbers at color for the day ang 15, 24, 28, 43 at indigo.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang mga taong magtatangkang pigilan ka sa iyong desisyon o plano ay hindi mo papansinin, bagay na tama dahil positibo ang resulta ng iyong gagawin. Pangkaraniwang problema ang nasa isip. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 28, 38 at maroon.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Maging alerto sa lahat ng oras at mag-ingat sa mga taong hindi ganap na kilala dahil magiging malapit ka sa mga mandaraya at mandarambong. Hangga’t maaari, huwag lumakad nang mag-isa. Iwasan ang magpagabi sa lansangan o labas ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 35, 40 at green.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Gusto mo man pagbigyan sila, mangingibabaw ang hangarin na paghandaan ang sariling kinabukasan kaysa unahin ang kapakanan ng iba. Maaaring malito ka dahil sa maraming pangangaila-ngan na dapat harapin. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 37, 42 at jade green.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Pag-aralan mo ngayon ang magandang paraan kung papaano maging kaakit-akit at kapansin-pansin sa nakukursunadahan. Mayroon o walang tututol sa iyong mga plano, ituloy mo pa rin ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 25, 38 at brown.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) Mahalin mo muna ang iyong sarili para mahalin ka rin ng iyong kapwa. Ang hindi magandang trato ng taong pinahahalagahan ay maliwanag na palatandaan na wala siyang pagmamahal sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 24, 41 at pink.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Paglilinis ng tahanan o opisina ang magiging prayoridad. Ang mga bagay na hindi na kakailanganin sa tahanan o opisina ay paglaanan ng panahon para maibasura, maitapon o maipamigay angnakatenggang gamit sa iba. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 2, 39 at orange.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Malilibang ka sa panonood ng palaro o sa mga batang naglalaro sa paligid na magbibigay ng pansamantalang pagkalimot sa mga suliranin. Isang magandang balita ang makapagbibigay ng kasiyahan sa bandang hapon o gabi. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 33, 43 at yellow.
- Latest