^

Kutob

Agosto 20, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Pagbabalik-tanaw sa nakaraan ang pagtutuunan ng pansin at makikita kung saan nagkamali. Sa pananalapi, magiging matumal ang dating su-balit makakabawi. Iwasan ang magpautang at umutang dahil mahihirapan sa pagbabayad. Huwag basta magtiwala. Lucky numbers at color for the day ang 19, 21, 25, 43 at red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Bigyang pansin ang kalusu-gan. Kung may nararamdaman, magpatingin kaagad sa doktor para hindi lumala. May desisyong gagawin, pag-aralan nang hindi magkamali at magsisi. Lucky numbers at color for the day ang 4, 26, 33, 40 at light yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Magkakaroon ng pagbabago sa larangan ng trabaho. Huwag mangamba at lalo pang titibay ang pagsasama ninyo ng minamahal.Pag-ingatan ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 21, 29, 42 at tangerine.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Matatagpuan ang mahalagang bagay na matagal nang nawala. Kilalanin ang taong laging kasama dahil may ugaling ahas na gusto kang tuklawin. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 4, 19, 30, 37 at dark blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Simulan ang pananaw na positibo upang maging positibo ang resulta ng ginagawa o gagawin. May magmamagandang loob na siyang makakatulong sa suliranin o kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 35, 36 at purple.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magiging abala sa paglilinis sa loob at labas ng tahanan, opisina o pinapasukan. Iwasan ang paanyaya sa bandang hapon o gabi. Makakabuti ang magpahinga ng maaga. Lucky numbers at color for the day ang 13, 22, 23, 32,  at fuchsia.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Mahahanapan ng solusyon ang problemang pinansiyal. Isang kaibigan o kamag-anak ang may hawak ng solusyon sa suliranin, may matatanggap na balita. Lucky numbers at color for the day ang 2, 22, 32, 42 at white.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Huwag hayaang masira ang magandang araw dahil sa pang-aasar at kantiyaw. Labanan ang pagiging magagalitin. Magtatagumpay kung determinado. Lucky numbers at color for the day ang 29, 31, 38, 43 at brown.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Mangyayari ang nais maliban sa pera at pag-ibig. Mag-ingat sa usaping pampuso dahil luha ang matatamo. Pag-isipan nang mabuti bago mag-desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 24, 27, 33, 42 at lilac.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Huwag tigilan ang panliligaw dahil may pag-asa na matatamo sa hinahangad. Malaki ang pag-asa na makamit ang nais kung patuloy na magpupursige. Lucky numbers at color for the day ang 23, 37, 40, 45 at emerald green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Matutuloy ang planong bakasyon kasama ang mga kaibigan o pamilya. Makakakilala ng makapagpapatibok ng puso. Lucky numbers at color for the day ang 4, 15, 19, 36 at gold.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Iwasan ang bumiyahe ng malayo lalo na kung tatawid ng dagat. Kung pumasok ka ngayon, diretso sa opisina nang maiwasan ang hindi magandang pangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 28, 36 at pearl white.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with