^

Kutob

Agosto 19, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Suliraning pinansiyal ang bumabagabag su­balit kung pagsisikapan, matutugunan dahil may makakatulong. Huwag sarilihin ang problema. Maging bukas sa pagsasabi sa malapit na kaibigan, kasamahan o kamag-anak dahil sila ang makakatulong. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 32, 36 at fuchsia.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ngayon mo mapapatunayan kung gaano katotoo ang karma. Kung gumawa ka ng kabutihan sa kapwa, may kabutihan kang matatanggap mula sa kapwa. Subalit kung gumawa ka ng kasamaan, may gagawa rin ng kasamaan sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 12, 17, 27, 38 at cream.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Kung may hindi pagkakaunawaan sa relasyon , nakaamba ang panganib na maaaring magwakas kung hindi aagapan ang pag-resulba. Maging matatag at mahinahon sa pagresulba ng problema. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 27, 29 at white.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) May balakid sa mga binabalak ngunit mapapansin at maitutuwid kung pag-aaralan muna bago pumalaot. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon dahil kung babagsak ay talagang hindi ka makakaba­ngon. Lucky numbers at color for the day ang 14, 24, 34, 39 at aquamarine.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Masaya mong sasalubungin ang umaga, ngunit mag-ingat sa makakati ang dila dahil ikaw ang pagtsitsismisan. Inggit ang dahilan kung kaya ikaw ang pag-uusapan. Lucky numbers at color for the day ang 19, 27, 39, 41 at ocean blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Makakahanap ka ng magandang solusyon sa iyong nagdaang suliranin, ngunit may kakaharapin kang mas malaking problema kung magpapabaya. Mag-ingat sa mapagkunwari. Lucky numbers at color for the day ang 13, 22, 37, 43 at red.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Huwag sarilinin ang balak na magtrabaho sa ibang bansa. Ikunsulta at hingin ang opinyon ng mga mahal sa buhay upang maging magaan at matagumpay ang lakad. Lucky numbers at color for the day ang 19, 23, 24, 31 at violet.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Nakataya ang kinabukasan ng pamilya. Huwag mag-tiwala sa usapan lamang. Ilagay sa kasulatan kung ano ang napagkasunduan at gawing legal kung ano ang napag-usapan ngayon. Ma­ging sigurista. Lucky numbers at color for the day ang 16, 24, 29, 34 at yellow.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Mahalaga ang kaligayahan at kapakanan ng pamilya, kaya huwag ipagkait ang panahon upang mapanatili ang harmoniya. Subsub ka sa trabaho pero bahagian ng panahon ang sarili at ang pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 14, 22, 28, 30 at blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Hangga’t maaga iwasan ang masamang implu­wensya ng mga barkada. Kung magiging mapusok, madadamay ka sa kanilang masamang gawain. Walang pagsisisi sa una, kundi nasa huli. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 34, 42 at green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Mataas ang pride ng kabilang panig at handa sa ano mang mangyayari. Walang masama kung ibaba ang pride kung talagang mahal ang isang tao at ayaw magkahiwalay ng landas. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 31, 39 at orange.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Magiging masaya ang iyong araw kung makakasama ang isang Leo o Pisces. Posible rin na hahantong sa pangmatagalang relasyon ang ugnayan ninyong dalawa. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 33, 40 at brown.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with