^

Kutob

Agosto 18, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Kung papatangay ka sa mga alok ng kaibigan, masisira ang iyong kinabukasan. Alalahanin na walang ibang gumagawa ng iyong kinabukasan kundi ang sarili. Kung mag-aaral, harapin nang buong puso at tatag dahil dito nakasalalay ang magandang kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 26, 41 at orange.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Upang maiwasan na magkaroon ng problema tungkol sa pera at gastusin, ayusin ang accounting at pagba-budget. Ang akala mong nawaldas ang iyong naimpok, nagkakamali ka dahil napupunta ito sa pamimili ng gamit. Lucky numbers at color for the day ang 15, 19, 21, 33 at ruby red.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Iwasan ang magsugal dahil tiyak talo ka, hindi lamang sa pera kundi maging sa panahon at pagkakataon pa. Ibuhos ang atensyon sa kasalukuyang ginagawa dahil magbibigay ito ng malaking pakinabang. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 31, 44 at maroon.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Dahil sa tagumpay sa buhay, kakainggitan ka ng iyong mga kakilala o mga taong malapit sa’yo. Mag-ingat dahil ang iyong negosyo o pinagkakakitaan ay gagayahin ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 29, 38 at cream.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkasintahan o mag-asawa, ngayon magkakaliwanagan at magkakaroon ng magandang solusyon. Matutuloy ang binabalak at magkakaroon ng positibong resulta. Lucky numbers at color for the day ang 18, 34, 42 at red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) May susukat kung hanggang saan ang iyong pasensya sa tahanan o pinapasukan. Kung ipaglalaban ang prinsipyo, tiyak hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Ang magandang gawin ay maging mahinahon at magpasensya. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 29, 37 at brown.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kung talagang labag sa loob, huwag magkunwari at sabihin ito. Maging totoo sa sarili at sa kapwa. Walang masama kung magsasabi ng totoo, ang masama ay magkunwari at maging plastik. Ang pagsisinungaling ay panloloko maging sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 26, 28 at ivory cream.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Habaan ang pasensya. Huwag pairalin ang init ng ulo. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon. Pag-aralan muna ang mga bagay-bagay bago kumilos. Tiyakin sa sarili kung tama o mali ang gagawing hakbang upang hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 29, 42 at beige.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Sa simula lamang ang saya at kalbaryo ang nasa dulo  ng bawal na relasyon, kaya dapat lamang iwasan na mangyari ito sa iyong buhay. Nakapaligid ang may pagnanasa at aakitin ka. Lucky numbers at color for the day ang 2, 29, 36, 37 at lemon green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kailangan mo ang matibay na paninindigan at lakas ng loob sa iyong napasukan upang magtagumpay. Kung tatalikod ka sa iyong napasukan, talo ka ng pera at panahon. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 14, 35 at gray.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Hayaan munang humupa ang galit bago kausapin o harapin ang sangkot. Kung galit si mister o misis, tumahimik at huwag mag-komento upang maiwasan ang lalong paglaki ng gulo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 22, 39 at blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang lalapit sa iyo ay may kailangang pinansiyal o payo. Kung kayang paunlakan, gawin. Kung payo ang kailangan, ibigay ang inaakalang maganda at dapat. Magagamit mo rito ang iyong ESP. Lucky numbers at color for the day ang 16, 22, 31, 34 at yellow.

 

vuukle comment

AGOSTO 18

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with