^

Kutob

Agosto 17, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Huwag hayaan ang pro-blema. Dahil lalong lalaki kapag ito ay pababa-yaan. Ang munting apoy kung hindi aagapan ay lilikha ng malaking sunog. Kung tututukan ang solusyon sa problema, tiyak may mahahagilap. Huwag basta magtiwala sa bagong kakilala. Lucky numbers at color for the day ang 19, 29, 36, 41 at mint green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Mapapansin mo ang unti-un-ting panlalamig ng kaibigan o minamahal. Kung hindi mo alam ang dahilan, walang masama kung tatanungin para magkaliwanagan. Daanin sa diplomasya ang pakikipag-usap nang walang masaktang damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 13, 21, 34, 42 at brown.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Malaki ang iyong pagkukulang sa pamilya o minamahal kaya siguro panahon na para makabawi. Kung may iuuwi kang pasalubong sa pamilya o minamahal, lalong mapagtitibay ang pagmamahal at tiwala. Panahon ngayon ng pagbawi sa iyong mga pagkukulang. Lucky numbers at color for the day ang 11, 14, 27, 40 at tangerine.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) May pagkakamali sa landas na iyong tinatahak. Pag-isipan ng mabuti ang ginagawa upang hindi tuluyan magkamali. Kung ano ang masakit sa iyo ay masakit din sa iba, kaya mag-ingat sa pananalita o sa mga ginagawa. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 30, 39 at red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Masakit man ngunit huwag balewalain ang pangaral sa iyo. Ang mungkahi o suhestiyon ay dapat isaalang-alang dahil may katuwiran sila at mali ka. Kung susundin mo ang sinabi sa iyo, may maganda kang patutunguhan. Lucky numbers at color for the day ang 16, 17, 34, 40 at beige.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Nang dahil mayroon ka, huwag magtaka kung ikaw ay lalapitan. Mas mainam ang magbigay kaysa humingi, at mas maganda ang magpautang, kaysa umutang. Kung kaya, huwag tanggihan ang hihingi ng tulong. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 37, 42 at emerald green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kung paiiralin ang iyong pagkamahiyain, talo ka dahil hindi mo masasabi ang gusto mong sabihin. Walang masama kung ihahayag ang nilalaman ng kalooban. Kung hiya ang mamamayani, hindi mo makukuha ang iyong pakay. Lucky numbers at color for the day ang 19, 28, 36, 39 at pink.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung dadagdagan mo pa ang pagtitiyaga at pagsisikap, makakamit mo ang iyong minimithi. Abot-kamay na lamang ang tagumpay dahil nasa tamang landas ka, kaya huwag kang umatras. Huwag maging duwag. Lucky numbers at color for the day ang 1, 11, 22, 37 at maroon.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kung may lalakarin, pagkalipas ng tanghalian gawin para walang panghinaya-ngan. May kalituhan ka sa iyong gawain, ngunit kung hihimay-himayin at pag-iisipan nang mabuti ay may kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 17, 28, 32, 39 at peach.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Madadamay ka sa mga tao na negatibo ang enerhiya, kung hindi ka magiging matatag sa iyong prinsipyo at patakaran sa buhay. Huwag paunlakan ang udyok ng kasamahan o kaibigan dahil masisira ka at magsisisi. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 25, 34 at white.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Ituloy ang binabalak dahil magiging positibo ang resulta. Huwag pansinin kahit sino ang sasalanta sa iyong mga plano. Nasa tamang landas ang iyong tagumpay, kaya huwag aksayahin ang panahon, kilos agad. Lucky numbers at color for the day ang 16, 24, 28, 44 at green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Hindi maganda ang araw para sa iyo, ngunit kung magiging mahinahon, mapagpasensya at magiging maunawain, makakaraos ng matiwasay. Iwasan ang magalit at ang padalus-dalos sa pagpapasya. Lucky numbers at color for the day ang 12, 29, 35, 37 at light green.

 

 

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with