^

Kutob

Agosto 16, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Dahil sa isang malapit na kaibigan, makikilala ang makapagpa-patibok ng puso. Lahat ng gustong gawin ay ipagpatuloy dahil magtatagumpay. Malamang may manghihingi ng payo tungkol sa pag-ibig o personal na suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 24, 38 at brown.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Sa halip na maghanap ng ibang bagay, bigyang-halaga ang mga bagay na mayroon ka. Kung hindi nagustuhan, hanapan ng paraan para makamit ang gusto sa magandang paraan. Iwasan ang manira ng kapwa dahil sa inggit. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 34, 41 at pink.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Makakakilala ng tao na kalaunan ay magbibigay ng kasiyahan sa buhay. Siya ang magsisilbing guro para matutuhan ang maraming bagay sa paligid. Huwag pansinin ang anumang maririnig na masakit na mga salita sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 27, 32 at violet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Huwag labis na magpokus sa isang bagay, dahil mababalewala ang iba. Huwag magmadali dahil lalo lamang magkakamali. Huwag hinta-ying mawala nang tuluyan ang isang bagay bago maisip ang kahalagahan nito. Lucky numbers at color for the day ang 15, 27, 35, 40 at green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Magtiwala sa anumang mangyayari dahil makakara-ting ka rin sa patutunguhan. Maraming daan sa landas ng tagumpay, pero ang nag-iisang daan na nakalaan sa’yo ay kinakatakutan mong tahakin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 25, 33 at maroon.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Nasa iyo ang katangian at kakayahan, kailangan lang itong pag-ibayuhin. Tiyakin na may kakayahan ka na pamunuan ang lahat. Sa kabila ng kalituhan, mapagtatantong nasa sariling kamay ang pagkontrol sa mga bagay. Lucky numbers at color for the day ang 9, 23, 36, 42 at blue.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Huwag kimkimin ang sama ng loob dahil kapag hindi ito nakaya, daig pa ang bulkan na sasabog. Panatilihing nasa maayos ang mga bagay at maging positibo ang pana-naw sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 30, 37 at red.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Bigyang pansin ang ibang mga bagay na maaaring makatulong para matupad ang pangarap. Lahat ng gagawin ngayon ay nakatuon sa pagkamit ng magandang kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 28, 40 at indigo.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Huwag pagurin ang sarili sa paggawa ng bagay na hindi naman talaga kaya o hindi nauunawaan nang lubusan dahil magsasayang lang ng oras. Ang tagumpay ay nakasalalay sa iyong positibong katangian. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 33 at orange.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung may hindi alam, pag-aralan nang matutuhan. Hindi man lubusang maunawaan, mahalaga na kahit kaunti ay may nalalaman. Kung gustong magtagum-pay, matutong makisayaw sa tugtog ng buhay. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 23, 41 at yellow.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Mahalaga ang magplano at isipin ang gagawin nang makaiwas sa pagsasayang ng oportunidad o oras. Huwag magmadali kung sa tingin ay may magandang oportunidad na darating. Lucky numbers at color for the day ang 10, 22, 34, 45 at purple.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Huwag kaagad sumuko. Maging mapagtimpi sa pagharap sa pagsubok. Alalahanin na hindi lahat ng solusyon sa problema o hangarin sa buhay ay makukuha sa isang iglap lang. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 37, 44 at jade green.

 

vuukle comment

KUTOB AGOSTO 16 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with