^

Kutob

Hunyo 22, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) May mabisa at murang paraan para mapasaya ang sarili nang hindi kinakaila-ngang gumastos nang sobrang mahal. Kailangan ngayon ang magtipid lalo na’t may pinaplanong bilhin o pagkagastusan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 23, 45 at lilac.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Panatilihin ang kasimplehan. Higit kang mas kaakit-akit sa katangiang ito. Maraming kaibigan ang matutuwa at hindi mangingiming lumapit dahil sa taglay na katangiang ito. Pero mag-ingat lagi dahil malapit ka sa mapagsamantala. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 28, 36 at old rose.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23 Isang kaibigan ang hihingi sa’yo ng tulong. Yayain siya sa labas para makita niyang kahit may problema ay hindi pa katapusan ng mudo. Ipasyal siya at dalhin sa isang lugar kung saan siya makapagpapahayag ng damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 26, 39 at carnation pink.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Masama man ang gising, huwag hayaang masira ang buong araw. Piliting humanap ng paraan upang gumanda ang pakiramdam. Hanapan din ng paraan para maging abala ang sarili. May oportunidad na darating. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 25, 38 at scarlet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Maganda ang bukas ng mukha ngayon at masigla ang pakiramdam. Bagama’t totoong napagod nang husto nitong mga nagdaang araw, ngayon ay tila makakabawi na at kitang kita ang pagbabago sa iyo. Lucky numbers at co-lor for the day ang 1, 16, 24, 33 at purple.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Pangit man ang naging resulta ng iyong pagsusulit, hindi dapat panghinaan ng loob. Bumawi na lamang sa susunod. Maiintindihan ng magulang kung bakit nangyayari ang bagay na ito, kaya walang dahilan para ang mismong sarili ay hindi makaintindi. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 27, 33 at cream.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Maaaring nasa eskwelahan ka o nasa trabaho, pero ang konsentrasyon ay wala rito, kundi nasa taong umuukupa ng espesyal na bahagi ng iyong pagkatao. Iwasan ang mangarap ng gising, kumilos para makita ang resulta. Lucky numbers at color for the day ang 12, 20, 30, 41 at sky blue.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Mapagtatanto ang pagkakamaling nagawa sa kaibigan. Hindi pa huli para humingi ka ng tawad. Gawin na ito nga-yon, bago tuluyang masira ang pagkakaibigan. Walang masama kung aangkinin ang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 7, 23, 31, 40 at gray.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kailangan mo ang pahinga para makabawi ng lakas. Huwag masyadong pagurin ang sarili sa mga bagay na hindi naman mahalaga. Gamitin sa wasto ang oras at kakayahan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 25, 39 at golden brown.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Makakatanggap ng pabuya sa isang bagay na nagawa ng mabuti. Iba ang tuwang mararamdaman dahil hindi mo ito inaasahan. Mabibigla ka sa mga susunod pang mangyayari dahil hindi ito inaasahan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 26, 33 at tan.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Planuhing maayos ang bagay-bagay bago gumawa ng desisyon. Mahirap magsimula ng walang basehan. Walang magandang resulta kung aasa ka nalang sa iba at hindi magsisikap. Lucky numbers at color for the day ang 11, 21, 37, 42 at rainbow.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Ihanda ang sarili sa mga responsibilidad na nakatakdang masira dahil sa mga magiging pagbabago. Tiya-king matatag ang sarili at huwag agad susuko kahit ano ang mangyari. Huwag mawalan ng pag-asa. Lucky numbers at color for the day ang 1, 6, 9, 21 at avocado green.

vuukle comment

HUNYO 22

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with