^

Kutob

Hunyo 21, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Hindi umaayon ang mga bagay-bagay sa nais na mangyari. Hindi makapag-isip ng maayos at masyadong nababagabag ng kung anu-anong palaisipan. Huwag mabahala dahil magiging maayos din ang lahat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 25, 37 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Wala kang dapat ipag-alala kung may mga bagay na hindi natapos. Humingi ng tulong sa mga kasamahan kung gahol na gahol na sa oras. Kahit paunti-unti, matatapos din ang trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 28, 44 at black.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Kung maaari, yayain ang kapatid na mamasyal. Mapagtatantong ang dami n’yo na palang hindi napagkukwentuhan. Ang pakikipag-usap dito ay magbibigay daan para magkakilala kayo ng husto. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 35, 42 at silver.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ipaunawa sa kasamahan na hindi mo layunin ang ipahiya siya o saktan, kundi nais mo lamang itama ang kanyang pagkakamali na kung hindi mo gagawin ay tiyak na magpapasama sa inyong lahat. Lucky numbers at color for the day ang 9, 23, 36, 40 at mint green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Hindi maiiwasang maiyak sa mga mangyayaring hindi maganda ngayon. Kulang na nga, tuluyan pang mawawalan ng tiwala sa sarili. Umiyak kung kinakailangan, pero huwag isiping napakahina mong tao. Lucky numbers at color for the day ang 7, 16, 23, 39 at red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Masaya ang buong araw dahil nakakatiyak na mahal ka pa rin ng kasintahan sa kabila ng iyong mga pagkukulang. Huwag lamang umabuso dahil hindi sa lahat ng panahon ay maiintindihan ka niya. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 27, 44 at tangerine.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Pakiramdam mo ay walang nakakaintindi sa nais mong mangyari. Pero huwag mawalan ng pag-asa. Isang kaibigan ang makakausap na kahit naguguluhan sa’yo ay hindi ka iiwan sa ere. Mananatili siyang naka-alalay sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 17, 20, 31, 40 at emerald green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ihanda ang sarili sa pakikinig sa problema ng kaibigan. Tiyaking hindi madadala sa problemang ito dahil walang magagawang tulong kapag nagkataon. Ma-ging positibo para positibo rin ang kalabasan ng iyong gawain. Lucky numbers at color for the day ang 6, 17, 32, 45 at beige.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Asikasuhin ang higit na mga importanteng bagay. Dahil ang ilang bagay ay maaaring makapaghintay. Huwag hayaang manaig ang kasalukuyang nararanasang depresyon. Lucky numbers at color for the day ang 10, 18, 22, 37 at maroon.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Piliting maging mapagpa-sensya kahit pikon na pikon na. Walang magandang idudulot kung paiiralin ang galit. Tiyak na makakapagsalita lamang ng hindi maganda at makakasakit ng damdamin ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 26, 39 at pink.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Tingnan kung ano ang magagawa sa problema ng kaibigan. Kung may maitutulong man dito, huwag ipagkait. Darating ang panahong siya naman o may ibang kaibigan ang tutulong sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 15, 34 at white.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Umuwi na lang ng bahay at magpahinga kung sa tingin ay hindi na kaya ng katawan ang trabaho. Mabuting ipahinga na ang nararamdamang pagod kaysa tumuloy pa ito sa sakit. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 23, 39 at peach.

vuukle comment

KUTOB HUNYO 21 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with