^

Kutob

Mayo 14, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Matinding galit ang mararamdaman mo sa bandang umaga kaya maging mahinahon. Huwag hayaan na masira ang araw mo, hangga’t maaari pag-isipan muna ang bawat salitang bibigkasin bago buksan ang bibig. Lucky numbers at color for the day ang 1, 11, 26, 37 at pink.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Mabuting ayusin mo muna ang iyong kuwarto. Ilang gabi nang hindi ka masyadong nakakatulog dahil sa hindi naaayon sa tamang posisyon ang iyong kama. Maaalala ang napalayong mahal sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 25, 30 at light blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Malulungkot ka sa araw na ito dahil sa paglayo ng iyong minamahal. Isang bisita ang magpapahiya sa’yo sa loob ng opisina. Maghapon na sasama ang iyong loob, paglabanan ito. Lucky numbers at color for the day ang 3, 24, 30, 42 at tangerine.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Tatanggap ka ng maganda o hindi magandang balita mula sa malayo o malapit na kamag-anak. Makikilala ang taong makakapagpabago sa takbo ng iyong buhay. Huwag makitsismis para hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ang 6, 27, 31, 44 at green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Kakailanganin mo ang tulong sa problemang love life. Pag-ukulan ng pansin ang mga bagay-bagay sa iyong kapaligiran. Maging sensitibo ka sa damdamin ng iba. Huwag magsalita ng masakit. Lucky numbers at color for the day ang 6, 22, 28, 39 at apple green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Gagawin mo ang lahat para sa pag-ibig pero mabibigo ka pa rin. Isang kamag- anak ang lalapit upang humingi ng tulong pinansiyal, pagbibigyan mo ito bilang pagtanaw ng utang na loob. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 16, 33 at violet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Pag-ingatan ang isang bagong labas na gamot baka sa halip na makatulong, ito pa ang maging dahilan nang paglala ng iyong sakit. Ikunsulta kaagad sa doktor kung hindi maganda ang pakiramdam. Manunumbalik ang tiwala sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 23, 32 at cream.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Lalong gugulo ang inyong pagsasama ng minamahal dahil sa hindi pagkakaunawaan at hindi marunong magpakumbaba ang bawat isa. Simple lamang ang dapat gawin, huwag magmataas at matutong makinig. Lucky numbers at color for the day ang 16, 21, 35, 38 at orange.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Malamang dadalo ka sa isang pagtitipong pang-pamilya. Mapapansin nila ang maganda mong kalusugan at aalamin nila kung ano ang iyong sikreto. Ma-giging masaya ang araw mo ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 20, 31, 44 at aquamarine.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Makakaramdam ka ng kaunting pananakit ng buong katawan. Pahinga ang kailangan. Maaakit ka sa isang oportunidad sa ibang bansa, walang masama kung subukan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 23, 34, at blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Maging maunawain sa isang kapamilya, hindi naman niya ginusto ang kanyang nagawang pagkakamali. Magandang simulan ang binabalak na negosyo tungkol sa pagkain dahil dito ka uunlad. Lucky numbers at color for the day ang 1, 17, 26, 37 at white.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Magiging magulo ang isip mo sa araw na ito. Hindi mo malalaman kung ano ang dapat unahin. Maaaring matapos ang araw na wala ka pang magagawa. Marahil may magandang surpresa sa iyo sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 18, 33 at jade green.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with