^

Kutob

Mayo 13, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magiging makakalimutin ka sa araw na ito. Kung kailangang isulat sa papel ang mahahalagang bagay, gawin. May magbubunyag ng sikreto tungkol sa isang kasamahan, huwag makigulo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 28, 33 at royal blue.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Magkakaroon ng pagkabagot sa sarili dahil sa problema sa pag-ibig o kaya problemang mag-asawa o pinansiyal. Hindi mauunawaan ang mga pangyayari sa paligid na ang pakiramdam ay parang lumulutang sa hangin. Mag-ingat baka maaksidente. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 36, 42 at cream.   

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ipaparamdam ng mga kaibigan ang kanilang pagtatampo sa’yo dahil sa hindi mo pagtupad sa isang pangako. Kailangan mo nang magdesisyon tungkol sa nadarama. Matutong mag-sorry kung inaakalang nagkamali. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 27, 34 at peach.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Kaduda-duda ang ikinikilos ng iyong minamahal. Mayroon siyang gustong ipahiwatig sa’yo, kaya maging alerto o kumprontahin para mabatid ito. Kung anong ngayon ang nasa isip, ‘yun ang magaganap o mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 20, 30 at aquamarine.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Lumipat sa isang kaibigan at magpaturo kung paano kumita ng malaking halaga at tiyak tutulongan ka niya. Iwasan ang masamang bisyo o gawain na maaaring maimpluwesiya ng malapit na kamag-anak o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 15, 32 at pink.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Balasahin ang ginagastos at kinikita. Maaaring malaki ang gastos kaysa sa pumapasok o kinikita. Gumawa agad ng paraan upang maisaayos ito. Mahusay na pagba-budget ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 23, 36 at apple blue sapphire.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Maging positibo sa pananaw sa buhay. Iwasan ang mag-isip ng negatibo. Huwag isipin ang paninira ng isang malayong kaibigan dahil malaking epekto nito sa iyong kaunlaran. Ipagpatuloy ang ginagawa dahil nasa tamang landas ka ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 3, 13, 32, 41 at jade green.   

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maging maingat, huwag maniwala sa sinasabi ng minamahal. Hayaan mong ipakita niya ang totoong pagkatao. May balakid sa binabalak gawin, pero magtagumpay kung itutuloy ito. Lucky numbers at color for the day ang 15, 22, 30, 39 at yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Isang matalik na kaibigan ang dadalaw sa iyo. May dala siyang pasalubong. Mag-ingat sa pagkain ng mga karne, dahil ito ang magiging daan para magkaroon ka ng sakit sa puso. Lucky numbers at color for the day ang 17, 20, 32, 41 at tangerine.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Magtatagumpay ka sa nais na mangyari sa pag-ibig kung walang bahid na masama ang pakay. Hindi mo mapapansin ang pananakit ng katawan dahil pag-ibig ang maghahari sa puso. Sisimulan mo ang bagong pamamaraan ng pagba-budget. Lucky numbers at color for the day ang 3, 8, 16, 37 at fiery orange.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Pag-aralang mabuti ang isang suhestiyon ng kaibigan hingil sa isang problema. Kailangan mong mamili ng kaibigan para maiwasan ang masamang impluwensiya. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 15, 32 at ocean blue.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Pag-isipan ng mabuti ang magiging desisyon sa araw na ito. Maaaring maging dahilan ito ng malaking pagkalugi sa negosyo o kapalpakan sa mahalagang bagay. Huwag agad maniwala sa sabi-sabi ng ibang tao. Lucky numbers at color for the day ang 3, 6, 17, 25 at blue gray.

vuukle comment

MAYO 13

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with