^

Kutob

Pebrero 21, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Sa pagkadulas ng dila maaari kang makasakit ng damdamin ng iba, na dapat bantayan. Iwasan ang maging mapagpuna. Maging alerto dahil malapitin ka sa mga taong may hangaring manlinlang. Lucky numbers at color for the day ang 1, 15, 19, 34 at jade green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Magiging pangkaraniwang ang takbo ng mga pangyayari. Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng tulong, na dapat tugunin. Ang maging tapat sa pakikitungo sa kapwa ay may gantimpalang makakamit. Iwasan ang maluhong mga barkada. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 22, 25 at electric blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung may suliranin, makakahanap ng tamang solusyon. Napapanahon para ibaling ang pansin sa sariling kapakanan. Walang magiging sagabal kung ilalagay sa maaayos ang lahat. Ikaw ang magsisilbing halimbawa sa pamilya o kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 14, 31 at mahogany.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Ang pamamalagi sa tahanan ay magbibigay ng lubos na kasiyahan. Ang labis na pagpupuyat ay magdudulot ng hindi maganda sa kalusugan, dapat iwasan. Ang magtiyaga ay may kapalit na tagumpay. May surpresang naghihintay. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 17, 26 at orange.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Samantalang nag-iisip ka ng paraan sa mga gawain, may mang-aasar o mangungulit, kaya pasensya at hinahon ang dapat gawin. Magiging masaya ang pamilya sa mga binabalak. Matutupad ang pangako o mapapako. Isang surpresa ang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 22, 30 at white.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) May lihim kang tagahanga. May pakinabang ang nilalakad na transaksyon. Pakinggan ang kutob bago magpasiya at tiyak hindi magkakamali. Pagtuunan ng pansin ang pag-aral kung gustong makamit ang mataas na grado. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 10, 12 at platinum pink.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Mapapaunlad ang pakikipag-ugnayang sosyal kung pagsisikapan. Ang tipanan sa pag-ibig ay kailangan ipagpaliban upang walang maganap na sama ng loob. Bigyagn pansin ang pakikipag-ugnayan sa komunikasyon. May gantim-palang nakalaan sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 19, 27 at sun yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Mag-ingat sa pagkagiliw sa pagkaing matatamis, labis ang mantika at maalat. Ang biglaang pangangailangan ay madaling matugunan kung pagsisikapan. Maitatanggi ang pagtulong sa kapatid. Walang masasayang na sandali sa pagtupad ng tungkulin. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 21, 29 at garnet red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Iiral ang katamaran. Matutong makibagay at makiisa sa mga kasamahan. May bagong pag-ibig na darating sa iyong buhay. Makakatulong sa problema ang kaibigan kung kakailanganin. May ilan kang kaibigan na hindi mapagkakatiwalaan, kaya ibayong ingat sa bawat hakbang at kilos. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 27, 30 at dollar green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Paglabanan ang kalituhang nadarama. Huwag magpadalus-dalos at magpatangay sa emosyon ng damdamin. Isang mapagmalasakit na kaibigan ang makakatulong sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 11, 27 at red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) May katunggali ka sa napupusuang dilag o binata. May malaking pag-asang magtagumpay sa iniibig. Pairalin ang kahinahunan at maging maginoo sa anumang bagay. Makilala mo ngayon ang iyong soulmate o twin-flame. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 19, 23 at Violet.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Wala dapat panghinayangan sa mga pangyayaring maganap. Hanggat maaga ay magising ka sa katotohanan sa maling desisyon. Maging aral ang karanasang naganap. Maganda at maunlad kung magsimula ng negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 15, 18, 24 at Aquamarine.

vuukle comment

PEBRERO 21

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with