^

Kutob

Nobyembre 16, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SCORPPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Maganda at kapangitan ang lilitaw tungkol sa pribadong relasyon, ngunit huwag mabahala at sa bandang huli ay magwawagi kung makakapagpaliwanag nang mahinahon. Iwasan ang magalit. Magandang pagkakataon para maipakita ang paninindigan at pagkatao. Lucky numbers at color for the day ang 15, 16, 36, 37 at light gray.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maging mahinahon sa pakilos, pananalita at sa paggagawa para maiwasan na makasakit ng kapwa o ang magkamali. Dahil sa dalang kalituhan ng isip, nararapat na suriin at pag-aralang mabuti ang mga papeles na dapat lagdaan. May mangungutang na hindi dapat pagbigyan dahil matagal bago mabayaran. Lucky numbers at color for the day ang 11, 26, 28, 39 at cream white.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kung may kamag-anak na may sakit, huwag mag-atubiling isugod kaagad ng pagamutan para mailigtas ang buhay. Kung walang nagkasakit sa pamilya, tiyak sagana at kaligayahan ang daranasin. May pagkakataon para magkasalo-salo sa hapag-kainan ang buong pamilya sa loob o labas ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 25, 35 at aqua blue.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Isang Taurus ang magbibigay ng suwerte o ligaya, subalit isang Leo ang maghahatid ng problema o sakit ng damdamin. Iwasan pansamantala ang mga kilalang Gemini dahil kapag may gulong mangyayari, hahantong sa hindi maganda. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 13, 31 at scarlet.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang suwerte ay minsan lamang kakatok sa pintuan, huwag paalpasin. Maging handa kung anuman ang darating at kung inaakalang ikabubuti o ikauunlad, sunggaban at huwag bigyan ng pagkakataong makawala. Magiging maunlad ang negosyo o pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 14, 41 at sky blue.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa ibig mangyari. Maraming gustong gawin na pagbabago, ngunit mahirap maipaliwanag ang panig. Iwasan ang makipagsisihan dahil maaaring magbunga ng samaan ng loob. Ang kapareha ay walang maitutulong dahil hindi alam kung sino ang kanyang dapat panigan. Ang pagkukulang ay may solusyon sa mahinahon at magandang usapan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 12, 14, 31 at red.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Dagdagan ang tiyaga at panalangin para makaiwas sa bulilyaso. Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa komunikasyon at sa iba dahil dahil ang kapareha ay magiging selosa at bibigyan ito ng ibang kahulugan. Hinahon sa anumang bagay ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 19, 24 at green.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Maganda ang takbo ng pangangalakal. Magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magagandang balita na matatanggap. Kung binata o dalaga, ang pagliliwaliw ay magiging masaya. Kung may nilalakad, magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang tahanan ay mapagtutuunan ng buong pansin ngayon. Magiging mainit ang ulo sa mga kaguluhang makikita. Linis dito, linis doon at kasabay ang mga maaanghang na parang siling labuyong mga salita. Hinahon ang dapat pairalin para walang masaktan na damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 25, 31 at empire gold.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Magiging makitid ang kapaligiran, gayundin ang pag-iisip. Magiging pikon at madaling magalit. Ang pagre-relax, pagpapahinga o pamamasyal ay makakatulong para manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Iwasan ang maglasing at magsugal, gayundin ang biruan at kantiyawan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 13, 25 at orange.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ang anumang uri ng paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang anumang sosyalan. Kung may balak na maglakbay, dapat ipagpaliban sa ibang araw. Bago lumagda ng anumang kasulatan o dokumento, pag-aralan muna at unawain ang mga nakasaad. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 24, 40 at blue.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Huwag pansinin ang tsismis at ano mang uri ng negatibong balita. Iwasan ang makasakit ng damdamin ng kapwa. Tanggihan ang aya ng mga barkada. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 19, 22 at yellow.

vuukle comment

KUTOB NOBYEMBRE 16 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with