^

Kutob

Nobyembre 13, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Tama ang panahon sa pagpapayaman ng katalinuhan at karanasan. Ang magsaliksik sa dapat malaman ay inaayunan ng panahon. Ang nagmamalasakit ay dapat bigyan ng kaukulang pansin at pasasalamat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 14, 20 at sky blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Huwag patangay sa agos ng karangyaan. Magsimula ng pagba-budget at mag-impok para may madukot kung may kakailanganin sa hinaharap. Ang walang pakundangang pamimili ay malamang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 20, 40 at citrine yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kung may transaksyon sa negosyo dapat isagawa pagkalipas ng tanghali. Suriing mabuti ang proposisyon o suhestiyon. Iwasan ang mga mapagsamantalang kasamahan. May pagbabagong magaganap na dapat paghandaan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 6, 19, 37 at red.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Kung ang nasa kalooban ay katapatan at walang pagkukunwari, nasa tamang landas ka ng tagumpay. Maaaring may pagsubok mula sa kahirapan, kakapusan, relasyon o malamang sa trabaho. Matutupad ang pangakong binitiwan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 10, 16, 34 at honey yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mayaman ang guni-guni na mapapakinabangan sa pagmumuni-muni para sa kaunlaran. Taglay ang maliwanag at malikhang pag-iisip na angkop sa pagpaplano ng kinabukasan. Matatapos ang gawain na sinimulan nang walang hadlang o abala. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 19, 41, at jade green.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Ang payo sa pinansiyal ay isaalang –alang at pagpaaralang mabuti. May pagkakataon para sa sosyal na aktibidad, magkakaroon ng bagong relasyon sa pag-ibig. Ang nagmamadali sa pagpapasiya ay malalagay sa panganib. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 19, 29 at emerald green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ang komplikasyon tungkol sa pera sa nagdaang panahon ay magkakaroon ng kalutasan. Matatagpuan ang sarili sa alanganing sitwasyon. Huwag pansinin ang mga usapan na walang halaga at masasangkot lamang sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 16, 32 at aqua blue.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Huwag magpadala sa mungkahi ng iba. Huwag mag-alinlangan sa kasintahan o minamahal. Sa mga dalaga, ang labis na pag-seselos ang magbibigay ng malaking problema sa relasyon. Tiyakin ang sarili bago kumilos sa anumang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 26, 27 at fuchsia.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Aabalahin ang sarili sa paggawa sa loob ng tahanan. Sa paraang mahinahon, ang suliranin na kasangkot ang ilang kasamahan ay madaling malulunasan. Maaasahan ang payo ng kaibigan tungkol love problem. Lucky numbers at color for the day ang 9, 22, 29, 33 at electric blue.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na pag-aalaga. Maaaring magpayo ang kaibigan o kamag-anak sa kalagayang pinansiyal na dapat bigyang halaga. Kailangan ang mag-ingat at magtipid sa hawak na salapi. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 18, 22 at dollar green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Malaking pasasalamat kung matutulungan ng isang kaibigan o kamag-anak. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Huwag mangutang o magpautang dahil hindi mababayaran sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 32, 39, 42 at pink.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Ang mga taong malapit sa kalooban ay pahahalagahan. Mahalaga ang tulong na ibinigay ng iba. Magpasalamnat sa pagtanggap ng suhestiyon o mungkahi. Nang dahil sa suliranin, hindi tama ang magsawalang bahala at hindi pagkilos sa paghahanap ng paraan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 12, 15 at turquoise.

 

vuukle comment

NOBYEMBRE 13 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with