^

Kutob

Nobyembre 10, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SCORPPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kung may plano, isipin munang mabuti kung ano ang hakbang at dapat simulan. Tiyakin na maging organisado ang bawat kilos, dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Mahina ang iyong kalooban ngayon, paglabanan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 31, 39 at white.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Anuman ang gawin, ituloy basta nakakatiyak na hindi makakasagasa ng kapwa. Sarili ang higit na nakakaalam sa gusto, kaya huwag asahan na may magdedesisyong iba. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 34, 43 at brown.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Labis ang pangungulila sa kasintahan o minamahal pero walang magagawa kundi magtiis, dahil sa pangangailangan. Isipin na pagsubok sa relasyon ang magkalayo parag lalong tumibay ang inyong pagsasama. May matamis na bungang pipitasin sa pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ang 3, 18, 25, 30 at mint green.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Kung mainit ang ulo, magpalipas muna bago humarap sa tao. Tiyakin na ang ikinagagalit ay hindi madadala kung saan, maliban sa kinauukulan. Huwag idamay ang iba na walang kinalaman sa mga pangyayari. Kung may problema sa tahanan, huwag dalhin sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 26, 30 at lilac.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Piliin ang sasamahang kaibigan at ang pupuntahang lugar. May pagkakataon na makakilala ng taong makakatulong sa’yo. Mag-ingat sa hold-up o snatchers. Iwasan ang maglakad nang nag-iisa. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 31, 43 at ivory.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Hindi maiiwasan ang kumpetensiya sa kahit anong larangan. Huwag bigyan ng sobrang pansin dahil sarili ang makukunsumi. Gawin ang nararapat nang hindi nakikipagligsahan. Sariling sikap ang dapat pairalin parag magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 12, 25, 35, 44 at lavender.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magiging maayos ang samahan sa pagitan ng mga kaibigan, kasambahay at kasamahan sa trabaho. Marami ang umaasa sa iyong magagawa. Huwag matakot mabigo dahil ito ang daan para maituwid ang pagkakamali. May mangyayaring kakatuwa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 32, 42 at sky blue.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Hindi inaasahan na makasalubong ang mga dating kaibigan. Tiyak maraming oras ang magugugol dahil sa sobrang dami ng kuwentuhan. Walang dapat panghinayangan sa mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 37, 45 at fuschia.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Walang dahilan na magkunwaring masaya, kung taliwas naman sa tunay na nararamdaman. Maging natural dahil ang pinakamahirap sa lahat ay niloloko ang sarili. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Iwasan ang magkunwari at ang pagkaplastik. Lucky numbers at color for the day ang 10, 29, 31, 42 at beige.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Panahon nang pagbabago ng masamang ugali. Ang ilang pagbabago ay sadyang mahirap gawin. Subalit hindi dapat sumuko kung kabutihan ng sarili at kapalit. Walang mahirap sa taong may tiyaga. Pairalin ang sipag at tiyaga. Lucky numbers at color for the day ang 8, 17, 26, 35 at strawberry red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Asahan maraming trabaho ang gagawin ngayong araw. Matatapos ang mga ito kung iiwasan ang makipagkwentuhan o ang tsismisan. Tiyak mapapagod sa buong maghapon dahil sa mga gawain. Lucky numbers at color for the day ang 12, 26, 34, 41 at blue.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Gawin ang paraan para maibalik ang tiwala sa sarili. Hindi makakabuti kung negatibo ang laging nasa isip. Maging positibo at tiyak maganda ang resulta ng ginagawa o gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 24, 31, 40 at canary yellow.

vuukle comment

NOBYEMBRE 10

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with