^

Kutob

Setyembre 30, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Malamang may magandang balitang matanggap na ikakasaya. Malamang may matuklasan na siyang magiging dahilan para malungkot. Ang mahalaga ay maging praktikal sa anumang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 35 at maroon.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kung haharapin ang dapat harapin, lalo kang makilala dahil sa iyong talino at husay. Iwasan na magbigay ng opinyon sa taong hindi lubos na kilala dahil kabaligtaran ang kanyang akala sa hangad mong makatulong. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at peach.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Magiging mapusok ka ngayon at kung walang disiplina sa sarili, dadalhin ka sa kapahamakan. Ngayon dapat iwasan ang mga barkada, dahil masasabit sila sa iyong gawain o ikaw ang masasabit sa gagawin nila. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 27, 31 at brown.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magiging abala ka sa maraming bagay, pang-personal o sa trabaho. May magtatampong kaibigan, kasambahay o kasamahan dahil hindi mo mapapaunlakan ang hiling. Huwag magpautang ng pera dahil matagal bago mabayaran. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 44 at pink.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Kung may suliranin ang iyong kaibigan, kasamahan o kasambahay, ikaw ang makakaresulba sa pamamagitan ng payo o materyal na bagay. Hindi mo maiiwasan ang magpaunlak kung may manghihiram ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 39, 41 at sky blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Praktikal na hakbang ang dapat gamitin sa tahanan at maging sa trabaho. Wala kang maaasahang tulong mula sa kasamahan, kaibigan, kasambahay at maging sa kamag-ana. Kaya sariling sikap ang dapat. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at tangerine.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Pag-isipan nang mabuti ang mungkahi o suhestiyon. Kung maganda ang idudulot, tanggapin o sundin. Kung inaakalang walang mapala, tanggihan. Huwag magpadalus-dalos ng pasiya, kapakanan ng sarili ang dapat isaalang-alang. Kung may duda, huwag ituloy. Lucky numbers at color for the day ay 10, 26, 33, 40 at violet.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Maging alerto at makiramdam ng mabuti. Ang inggit ng mga kasamahan sa trabaho, kapit-bahay o mga kaibigan ay hindi maiiwasan. Malamang sisiraan ka ng dahil sa inggit. Malamang isang kaibigan ang magtatraydor. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 30, 42 at white.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Lingunin ang pinang-galingan at iwasan na maghangad na lumipad ng mataas dahil kung babagsak, sasambulat ang lahat ng pangarap. Magpakatotoo, iwasan ang pagkaplastik at ang pagsisinungaling dahil niloloko lang ang kapwa at sarili. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 25, 40 at gray.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Sasama ang iyong mood o pakiramdam sa situwasyon ngayon. Kailangan ang payo ng mas higit na nakakaalam. Walang mangyayaring solusyon kung ikaw ay tutunganga lamang. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at green.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Ang pagpaparaya ay pagpapakita ng pagkamaunawain at pagmamahal. Huwag mabahala dahil ang kapalit ng tiwala ay kaligayahan. Ang tiwala ay kakambal ng pag-ibig at pagmamahal, kaya dapat alagaan nang hindi masira. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 19, 38 at red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ang nararamdamang sakit ay mapapawi. Pagbigyan ang sarili na makapaglakbay sa ibang lugar para maiba ang ihip ng kapalaran. Ang magbakasakali, maliban sa pagsusugal ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 24, 36 at orange.

vuukle comment

KUTOB SETYEMBRE 30 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with