^

Kutob

Setyembre 05, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Maliksi ang katawan, maganda ang mood at isip. Walang magiging sagabal at tiyak matatapos ang gawain. Sa tahanan, susubukan ang iyong pasensiya sa dapit-hapon o gabi. Pairalin ang pagkamahinahon ng walang masaktang damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 16, 32 at mint green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Sa tiyaga at sipag makakamit ang tagumpay. Sa mga tamad, kahirapan pa rin ang daranasin. Kung gustong umangat sa kahirapan, dobleng sipag at tiyaga ang gawin. Kung may plano para sa kaunlaran, simulan kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 26, 36 at brown.

SCORPPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Sa gawa at wala sa salita ang sukatan ng tunay na pag-ibig. Kung may manliligaw na magbigay ng bulaklak o chocolate, huwag nang pakawalan dahil magiging matamis at maligaya ang relasyon. Sa mga may asawa, kung may iuuwing pasalubong si master o si misis, maging matatag at maligaya ang pagsasama. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 27, 35 at blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) May lunas ang matagal nang gumugulo sa isip at bumabagabag sa damdamin. Ang taglay na talino at mabilis na pagkilos ay siyang magliligtas sa mga taong sasalungat. Magdobleng-ingat, malamang may kaibigan na maghuhudas. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 28, 36 at avocado green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kung may balak, ituloy at huwag mag-alinlangan. Kung sa kasamaan ang balak, huwag gawin dahil mahuhuli o matutuklasan. Upang maiwasan ang hindi magandang mangyayari, huwag paunlakan ang paanyaya ng kaibigan o barkada. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 24, 35 at pink.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Hindi sinasadya na may matutuklasan kang lihim. Kung nakakatuwa o nakakalungkot, panahon ang makapagsabi. Iwasan ang masakit na biro upang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa. Lumalandas sa tamang daan ng tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 25, 33 at fuchsia.

PISCES: (Peb. 19-Mar.  20) Sa mga nag-apply ng trabaho, lalo na patungong abroad, inaayunan ng panahon ang tagumpay kung lalakarin sa umaga. Ang mga lalakarin sa hapon ay huwag ituloy, dahil mag-aaksaya lamang ng panahon at oras. Aksiyon ang dapat at hindi panay salita. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 21, 36 at yellow.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Mga-ingat dahil magiging malapit ka sa mga taong mapagsamantala. Maiiwasan ang hindi magandang mangyari kung magiging alerto at  hindi magdedesisyon nang walang masusing pag-aral. Huwag basta maniwala kahit kanino. Ipagpaliban ang transaksiyon o meeting. Lucky numbers at color for the day ay 16, 29, 36 at purple.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Walang maaasahang tulong mula sa kaibigan at kahit kanino. Sariling sikap at kayod ka ngayon. Kung may kailangan, huwag lumapit sa iba dahil mapapahiya lamang. Ang maganda, matutuwa ka sa hindi inaasahang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 5,1 0, 23, 42 at red.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Madaling magpaunlak ang kamag-anak o kaibigan. Bigyan ng wastong pangangalaga ang kalusugan dahil madaling kapitan ng sipon, ubo o trangkaso. Iwasan ang mabasa ng ambon, ulan at matuyuan ng pawis. Lucky numbers at color for the day auy 11, 22, 33, 44 at gray.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kung hangad ang mataas na grado, simulan ang magsikap sa pag-aaral ng lesksiyon. Walang mapapala kung barkada ang laging haharapin. Sa edukasyon at pinag-aralan lamang ang batayan ng magandang kinabukasan at tagumpay. Ugaliin na hindi mahuli sa oras nang pagpasok. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 23, 33 at lavender.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Matatanggap ang gantimpala sa pagpapahalaga sa tungkulin o pagsunod sa mga payo ng magulang o guro. Kung nag-aaral, ang nagsikap, magkakaroon ng mataas na grade. Ang mga nagpapabaya ay lalagpak. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 26, 38 at lemon green.

vuukle comment

KUTOB SETYEMBRE 05 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with