^

Kutob

Agosto 28, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Magiging arugante at iiral ang iyong pagkamasungit. Dahil dito malamang magkaroon kayo ng tampuhan ng iyong mahal. Kung lalakasan ang loob at isasaisip ang self control, maiiwasan ito. Huwag bigyan ng panahon ang tsismis dahil magmumula rito ang hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 19, 31, 44, 45 at strawberry red.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Ang ugaling “saka na” ay walang kabutihang maibibigay. Magiging makakalimutin ka ngayon, kaya kung ano ang binabalak, umpisahan kaagad at tiyak may resulta. Kung magiging pabaya, malamang may mawawalang bagay dahil makakalimutan. Maging alerto. Lucky numbers at color for the day ay 9, 6, 11, 17 at ruby red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kung may balak na maglakbay, ituloy dahil positibo ang resulta lalo na kung tungkol sa negosyo o pang personal. Iwasan ang makihalubilo sa mga kaibigan, dahil ikaw ang magiging paksa ng kantiyawan at tukso. May posibilidad na ikaw ay magalit o mapikon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 21, 35 at blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung anuman ang ginagawa, tutukan ito at tiyak matatapos nang walang sagabal at malaki ang pakinabang. Iwasan ang anumang espekulasyon dahil walang mangyayari sa ganitong attitude. Iwasan ang magbakasakali dahil negatibo ang mangyayari. Magpakatotoo at sabihin ang tunay na damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 19, 26, 33, 42 at pearl white.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang tensiyon tungkol sa pag-ibig ay maaaring sumulpot anumang oras, sa araw na ito. Maging mahinahon sa pagpapaliwanag ng panig upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Ang pag-aayos ng gusot sa nakaraan ay inaayunan ng panahon. Maaaring makasagap ng magandang ideya na siyang magagamit sa karagdagang income. Lucky numbers at color for the day ay 6, 7, 21, 35 at garnet red.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Iwasan ang magsamantala at tiyak doble-doble ang karmang kabayaran. Magiging malakas ang iyong karisma sa mga tao at kung hihingi ng tulong, tiyak hindi mapahihindian. Hindi mabibigo kung may transaksyong gagawin sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 21, 32 at tangerine.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kumunsulta sa doktor kung may karamdaman. Ipagpaliban ang binabalak na lakarin, dahil mabibigo lamang. Hangga’t maaari, iwasan ang lumabas ng tahanan kung hindi naman kinakailangan upang maiwasan ang hindi kanais-nais na mangyari. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 24, 32 at lavender.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Mahalaga ang pang-unawa sa minamahal dahil magiging mainitin ang ulo. Bigyan ng pahiwatig ang minamahal, kasambahay, kaibigan o mga kasamahan sa ayaw at gusto, kung hindi masabi ng direkta. Ang pagiging ismarte ay magiging mahalaga sa paglutas ng suliranin na siyang magagamit ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 29, 38 at blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Mahirapan kang iwasan ang maging emosyonal subalit dapat itong paglabanan dahil sa tawag ng situwasyon. Ang mababang enerhiya ng katawan ang siyang magbibigay nang katamlayan sa trabaho. Tamang diet at pahinga ng katawan ang dapat mong gawin. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 39, 42 at maroon.

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) Ang sinumang kausap ay handang makinig subalit maraming pagtutol ang iyong matamo. Ang career at reputasyon ang siyang maging pangunahin mo. Ihanda ang sarili dahil may taong susubok sa iyo ng iyong kakayahan. Huwag mabahala dahil ang katuwiran ang magwagi. Lucky numbers at color for the day ay 7, 35, 39, 40 at flame red.

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Alaalahanin ang alta presyon kaya iwasan ang magkatensyon. Kahit malakas ang iyong enerhiya manghina ka sa maganap dahil hindi mo sukat akalain mangyari. Ang maganap ay lilipas pulutin ang kabutihan at iwaglit ang masama. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 29, 35 at cannary yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang kamalian ng iba ay malamang maibintang sa iyo o vise versa ang mangyari kaya ito ang dapat mong paghandaan sa araw na ito. Kung walang maganap na ganitong pangyayari tiyak maging maligaya at maaliwalas ang iyong buong araw. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 17, 33 at tangerine.

vuukle comment

AGOSTO 28 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with