^

Kutob

Agosto 26, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Nababagay ngayon ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may paanyayang matatanggap. May pagkakataon na makatagpo ang soulmate o twin-flame. Kung isang Aries o Capricorn ang makikilala, hahantong sa pang-matagalang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Kahit masakit sa kalooban, paglabanan sa gustong bilhin dahil sa kakapusan ng pera. Kung pagsisikapan ang problemang pinansiyal, matutugunan ng kaibigan o kamag-anak. Dapat lamang unahin ang kailangan ng tahanan bago ng sarili. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil puputaktihin ka ng trabaho. Ngayon maipapakita ang kaalaman at kahusayan na hahangaan ng mga kasamahan o ng boss. Matiwasay na magagampanan ang tungkulin kung iiwasan ang pakikipaghuntahan o hindi tatamarin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kailangan ang disiplina sa sarili dahil magiging mainit sa pag-ibig. Magiging mapusok ka at kung hindi mapaglalabanan, malalagay ka sa alanganing sitwasyon. Pag-aralan at pag-isipan nang mabuti ang mga bagay, bago magdesisyon. Huwag magpadalus-dalos. Posibleng makatanggap ng balita na ikaliligaya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Iwasan ang hindi inaasahang panauhin, dahil may dalang tsismis na makakapagpainit ng ulo o may bagay na kailangan at hindi kayang paunlakan o maibigay. Ang paglilinis ng kapaligiran sa tahanan o pinapasukan ay magbibigay ng kaligayahan sa sarili. Iwasan ang tsismis para hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Magpakahinahon, timbangin at pag-isipan nang mabuti bago magsalita o humatol para maiwasan ang magkamali at makasakit ng damdamin ng kapwa. Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng payo tungkol sa suliranin, na dapat tanggihan ng malayo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at pink.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Magiging masuwerte ka sa anumang uri ng negosyo, kapag sinimulan ito ngayon. Malakas at malaki ang kikitain kung ikaw ay freelancer. Kung gaano ka kasuwerte sa negosyo ngayon, kabaligtaran naman sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Ang pakikiisa ay naaayon sa panahon at pagkakataon, kaya dapat itong samantalahin ngayon. Ang hindi pagkakaunawaan ay madaling mahahanapan ng solusyon, dahil magiging malambing at kabigha-bighani ang iyong pagkatao. Panahon na para humingi ng tawad kung may kasalanan at magpatawad kung may nagkasala. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) May gantimpalang nakalaan sa pagbibigay ng abuloy sa tamang taong mapagbibigyan. Ang serbisyong sibiko ay magiging pangunahin sa isipan at kung gusto ay mapaglalaanan ng panahon at maisasakatuparan. Magiging masuwerte kung kikilos kaagad at gagawin ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 28, 38 at dollar green.

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) Ang gawaing hindi nagawa o napansin noon ay may daan para matapos ngayon. Magiging malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran, subalit ang masusing pag-aaral bago pumalaot ay kailangan para hindi magsisi sa bandang huli. Ang panahon ng pagre-relax ay nababagay para makapag-isip ng tamang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 12, 27 at beige.

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad na nakaatang sa balikat at dapat harapin nang buong tatag. Anumang desisyong ginawa, tama o mali ay dapat panindigan at panagutan. Mag-isip at maging mahinahon sa anumang ginagawa o gagawin nang maiwasan ang magkamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Iwasan na mag-init ang ulo at maging mahinahon, dahil puno ng kamandag at magiging mabagsik ang Leo sa araw na ito. Iwasan ang magbiro at makantiyaw na tao para malayo sa gulo. Libangin ang sarili sa pagbabasa o pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at scarlet.

vuukle comment

KUTOB AGOSTO 26 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with