^

Kutob

Agosto 15, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Kung ang paglalakbay ay tungkol sa negosyo o mapagkakakitaan, ito ay inaayunan ng panahon. Subalit kung ang pakay ay paglilibang, dapat itong ipagpaliban. Harapin ang paghanapbuhay at iwaglit pansamantala ang paglilibang. Lucky numbers at color for the day ay 12, 14, 28, 39 at lemon green.

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Iwasan ang usaping pera para hindi humantong sa hindi pagkakaunawaan. Iwasan ang bawal na pag-ibig. Huwag hayaang kumatok ang selos sa pintuan kung nais na maging maligaya ang pagsasama. May pagkakataong matuklasan ang isang lihim. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 30, 42 at sky blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Ang nakaraang tampuhan ay magkakaroon ng solusyon, kung ito ay haharapin ngayon. Sa samahan sa trabaho o mga kaibigan, ang magandang pag-uugali ang dapat pairalin dahil may mga ilan ang madaling magtampo o magagalitin. Magiging maunlad ang takbo ng negosyo. Lucky numbers  at color for the day ay 2, 17, 37, 40 at pearl white.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Bigyang prayoridad ang tungkulin, bago ang sarili at iba. Inaayunan ng pagkakataon ang pagpapahinga o paglilibang subalit alalahanin na ang responsibilidad ay hindi makaligtaan. Lucky numbers at color for the day ay  9, 26, 40, 41 at cherry red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Magkakaroon ng mahalagang pagdedesisyunan na kung hindi mag-ingat ay pagsisisihan. Huwag padala sa sulsol at kapahamakan lamang ang matamo. Sundin ang kutob, dahil angkin mo ang lakas ng ESP na siyang maglalagay sa tamang sitwasyon. Iwasan ang magalit. Lucky numbers  at color for the day ay  3, 12, 26, 36 at shocking pink.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Pikon ka ngayon kaya’t habaan ang lubid ng pasensya. Dahil gulo lamang ang kahahantungan kung paiiralin ang init ng ulo. Ang pagkakamali at hindi magandang karanasan ay gabay para maging matuwid ang landas ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 40, 42 at apple green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Depende sa situwasyon ang galaw ng pag-iisip. Kung inaakala na ang ginawa ay magdudulot ng kabutihan, ituloy at magiging positibo ang resulta. Subalit kung may pagdududa, huwag ituloy dahil pagsisisihan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 34, 41 at lavender.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung may suliranin, walang mangyayari kung magmumukmok sa isang tabi. May kapangyarihan ang isip ng tao kaya walang dahilan na hindi makita ang solusyon, kung ito ay pag-iisipan at aaksyunan. Katamaran ang siyang iiral sa iyo, dapat paglabanan ito. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 29, 39 at cannary yellow.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Ang pagtulong sa kapwa sa pinansyal o materiyal ay hindi masama, ngunit tiyakin hindi kakapusin ang sarili. Maging totoo at iwasan ang magmayabang. Kung kapos at kailangan mo rin, huwag mahiyang magsabi ng totoo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 17, 25 at pink.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magiging mapusok ang iyong damdamin sa pag-ibig, kailangan ng self-control upang hindi mapahamak at magsisi sa bandang huli. Sa mga dalaga, mag-ingat sa larangan ng pag-ibig dahil madaling maipapaubaya ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 6, 20, 30, 36 at copper red.

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) Panahon nang pagbabago kaya baguhin ang ugaling tsismosa, daldalera, matapobre at mapagmataas dahil marami ang hindi na natutuwa sa iyong ugali. Baguhin ang pamaraan at pamamalakad ng negosyo upang umunlad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 15, 32, 39 at yellow.

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Aminin at tanggapin ang pagkakamali. Upang manatili ang magandang samahan sa pamilya, tulungan at gabayan ang kaanak sa pangangailangan o may problemang kailangan masolusyunan. Maging bukas sa pagtanggap kung ano ang pagkukulang ng bawat isa at hanapan ng wastong paraan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 32, 40 at orange.

vuukle comment

KUTOB AGOSTO 15

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with