^

Kutob

Agosto 05, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Hindi magduda ang mga kakilala sa taglay mong lakas dahil sa iyong pangangatawan, ngunit ang totoo ay mahina ang iyong kalusugan. Ang karagdagang oras sa trabaho ay hindi magiging pabor para sa’yo. Mas gugustuhin niya ang isang tulad mo, dahil sa iyong pagkamahinahon at pagkama-alalahanin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 28, 36 at garnet.

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Makukuntento ka sa mabuting pagtingin niya sa iyo. Unti-unti mo nang natatanggal ang iyong mga masamang bisyo. Malalagay sa panganib ang pinagkakakitaan kung luho ang palaging nasa isip. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at baby blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Magiging pasensyoso ka sa lahat nang pagkakataon sa araw na ito. Malakas ang dating mo ngayon sa mga humahanga. Magigipit ka dahil sa pagiging magastos at mapagbigay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 22, 31, 41 at white.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Galak ang mararamdaman mo sa piling ng mga mahal sa buhay. Mapapawi ang iyong negatibong enerhiya sa ugali ng iyong makakasalamuha. Matatanggalan ka ng mga hinanakit. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 39, 41 at maroon.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Madamdamin ang magiging araw mo sa piling nang sinusuyo. Malalagay sa peligro ang mga ari-arian kung hindi ito iingatan. Hindi mo pababayaan ang sarili na bumigay o paunlakan ang paanyaya ng masamang barkada. Tama ang iyong gagawin, dahil mapahamak ka lamang. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 21, 29 at cadet blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magkakaroon nang hindi pagkakaunawaan sa trabaho o sa tahanan. Masuwerte ka sa piling ng minamahal. Mag-ingat sa mga pabango at pampakinis ng balat na magbibigay nang pagkairita ng iyong balat. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 12, 25 at orange.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Sa wakas, makikita mo na ngayon ang kagandahan ng walang iniibig, dahil malaya kana rito. Mahihirapan kang mag-isip ng mga bagong ideya, ngunit huwag tantanan dahil kalaunan may magandang ideyang maiisip. Magiging matalas ang iyong memorya. Lucky numbers at color for the day ay 1, 12, 27, 38 at burgundy.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mawawalan ka ng suporta sa mahalagang sector ng lipunan, ngunit hindi sa pamilya at minamahal. May matututunan kang bagong kaalaman sa tamang pagkain. Ang pagbisita ng isang kaibigan ay magbubunga ng magandang resulta. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 33, 41 at violet.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Hindi mo maiiwasang gumastos ngayon sa hindi gaanong kailangan. Aaliwin ang sarili sa pamamagitan nang pamamasyal at pamimili. Iukol mo ang panahon sa pag-aayos ng sarili para sa isang bisita. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 28, 41 at Lilac.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Hindi ka mahihiyang ipakita ang magandang pangangatawan dahil hahangaan ka. Hindi makakabuti sa’yo ang magaganap sa miting o pagpupulong dahil panay tutol ang iba sa iyong mga panukala. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 31, 40 at aqua blue.

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) Mababaon sa limot ang isang masalimuot na alaala. Maaayos mo na ang iyong schedule, na sadyang nagpapagulo ng iyong mga aktibidades. Mapupunta sa wala ang napundar kung magpapabaya at hindi mag-iingat. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 27, 37 at purple.

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Makiramdam ka sa ikinikilos ng iyong minamahal, dahil mayroon siyang gustong ipahiwatig. Kung hindi sasabihin, ikaw na ang magtatanong. Maaayos ang pinansyal na pangangailangan sa linggong ito, ngunit huwag magtiwala. Sapagkat kung magiging magastos, kakapusin sa hindi maiiwasang gastusin. Lucky numbers at color for the day ay 12, 13, 35, 42 at fuchsia.

 

vuukle comment

2018

KUTOB AGOSTO 05

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with