^

Kutob

Agosto 3, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Bulaklak, chocolate o card ang iyong matatanggap ngayon. Ngunit kung wala, hindi ibig sabihin na nakalimot na siya o wala nang pagmamahal sa’yo. Mahal ka niya subalit naging praktikal lamang siya dahil sa kagipitan. Sana maging maunawain ka. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Langit at lupa man ang inyong pagitan, hindi ito sapat na dahilan para isuko ang pag-ibig sa babae o lalaking minamahal. Kung sadya at talagang mahal mo siya, ipaglaban ang iyong pag-ibig dahil siya ang iyong soulmate. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at scarlet.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Walang kabutihang idudulot ang pagpupumilit mo na makamit ang pag-ibig ng iyong nililiyag. Wala talaga siyang gusto sa’yo, kaya huwag nang mag-aksaya ng panahon. Masasaktan ka lamang at magsasayang ng panahon sa kanya. Ibaling na lamang ang iyong pag-ibig sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Mag-ingat sa daan at lansangan. Mag-ingat sa pagmamaneho ng sasakyan. Saan ka man naroroon, ano man ang iyong gagawin, alaalahanin palagi ang sariling kaligtasan. Mag-ingat sa matutulis na bagay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Anuman ang iyong ginagawa, siya lang ang laman ng iyong isip. Tiyak na may inilaan kang pang-gastos, ngunit huwag maghinanakit kung tatangihan ka sa iyong paanyaya. Dahil may mahalagang dahilan ang kanyang pagtanggi. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Maalalahanin, maunawain at mapagpasensiya ang sangkap at rekado ng pag-ibig. Kung kulang ka nito, hindi kumpleto ang iyong pagmamahal. Simulan at sikapin mo ngayon na makumpleto ito at maliwanag pa sa sikat ng araw ang tatamasahing kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kung seloso o selosa ka at sa tuwinang nag-aaway nang dahil dito, ngayon mo idalangin na sana’y matanggal ito. Dahil kung patuloy ang hindi pagkakaunawaan nang dahil sa selos, tiyak kalbaryo at ang inyong pagsasama. Hindi masama magselos kung nasa lugar. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Pag-ibig ang dahilan kung bakit ka masigla. Confirm ang iyong date. Subalit mag-ingat ka sa pagmamaneho o sa lansangan ng pag-ibig, tiyakin lamang na tama ang pag-uukulan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at pink.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Puno ng ligaya at kasiyahan ang iyong madarama dahil sa regalong matatanggap. Malamang yayain kang lumabas para ipagdiwang ang minsan sa isang taong okasyon. Sa mga walang asawa, lalo na sa babae, mag-ingat dahil magbubunga ang binhi kung magpapapunla. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 28, 38 at dollar green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung nasa malayong lugar ang ka-partner, tiyak kalungkutan ang madarama. Subalit tiyak naman ang kasaganahan sa buhay. Iwasan ang matukso sa makamundong pagnanasa, dahil tiyak ito ang magiging daan ng kalbaryo sa buhay. Huwag ipagpalit sa panandaliang ligaya ang pundasyon ng pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 12, 27 at beige.

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) Huwag mainggit sa iba kung wala kang ka-partner ngayon. Hintayin ang kusa niyang pagdating. Mas tatamasahin ang kaligayahan habang may buhay. Makisaya sa iyong mga kaibigan, ngunit ang lubos na pag-iingat ay huwag kalimutan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Kung nagkaroon kayo nang hindi pagkakaunawaan ng iyong kasintahan o ka-partner, ngayon ang reconciliation. Huwag magmatigas nang dahil sa pride. Ngayon mo sabihin ang mga dahilan ng iyong pagtatampo at tiyak may pagbabagong magaganap sa kanya. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white.

vuukle comment

KUTOB AGOSTO 3 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with