^

Kutob

Hulyo 16, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Huwag patangay sa emosyon dahil magiging emosyonal ka ngayon. Huwag ibigay kaagad ang pagtitiwala at manapay pag-aralan muna ang mga bagay-bagay. May malaking pag-asa na magtatagumpay sa pag-ibig. Huwag lumagda ng anumang kontrata o mahalagang kasulatan kung walang masusing pag-aaral. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 12, 23 at white.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Paglabanan o iwaglit ang ugaling mapagpuna sa ibang tao. Ang iyong ESP ang makakatulong sa paglutas sa sariling mga problema, sa nakaraan at kasalukuyan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 17, 22 at aquamarine.

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Makakatagpo ng bagong kakilala sa hindi inaasahang pagkakataon. Maaaring mabigyan ng solusyon ang matagal nang suliranin. Ang relasyong pangpamilya ay magiging matatag at maligaya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 16, 28 at butter yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) May hihilingin ang minamahal na dapat hindi ipagkait, dahil pamumulan ito ng sama ng loob. Ang anumang naipangako ay dapat tuparin upang hindi mawala ang pagtitiwala ng kapwa. Iwasan ang tsismis dahil maaaring pagmulan ito ng gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 20, 29 at orange.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Maging mahinahon sa anumang bagay na lilitaw para maiwasan ang tensiyon. Ang tensiyon sa trabaho ay dulot ng ibang kasamahan na kulang sa kooperasyon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 19, 25 at flame red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Mapapanatili ang harmoniya sa pagitan ng minamahal, sa loob ng tahanan, kaibigan at mga kasamahan. Ang maging positibo sa lahat ng bagay ay magbibigay ng kaunlaran at suwerte sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 19, 26, 28 at lavender.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ngayon ang pagkakataon para pag-ukulan ng panahon ang mga pansariling binabalak. Magtimpi sa anumang hinanakit para maiwasan ang pagsiklab ng gulo o away Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 19, 39 at champagne yellow.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) May katuparan ang pangarap, kung itutuloy ang binabalak. May posibilidad na ang isang dating pag-ibig ay mananariwang muli. Umaayon ang pagkakataon para maipakita ang kakayahan sa trabaho at gawain. Lucky numbers at color for the day ay 10, 19, 23, 29 at maroon.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Laging tandaan na daig ng maagap ang masipag, kaya huwag magpahuli. Ang kasipagan ay tamang landas sa kaunlaran, panatilihin ito. Sikapin na mapabuti ang relasyon at kalimutan na ang mga masamang nakalipas. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 10, 14 at peach.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Anumang problema sa nakaraan ay may kalutasan ngayon, kung pagsisikapan na mahanapan ng solusyon. Malulunasan ang problema sa kalusugan kung may karamdaman. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 32 at magenta.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung ano ang nararamdaman, dapat huwag ipagwalang bahala at ipasuri kaagad sa dalubhasa. Kailangan ng ibayong pansin sa kalusugan. Iwasan ang tsismis para hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ay 7, 24, 39, 41 at fuchsia.

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) Magiging pikon ka ngayon, kaya pairalin ang pagkamahinahon. Huwag pansinin ang mga biro at kantiyaw. Pagtuunan ang maliliit na detalye sa anumang kasunduan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 5, 21, 24 at hot pink.

vuukle comment

HOROSCOPE HULYO 16

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with