^

Kutob

Hulyo15, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) May pagkakataong maging mapaghanap ka sa minamahal. Mahalaga ang panahon para sa negosyo o sa mga gawain, kaya huwag sayangin. Maganda ang layunin ng kaibigan, ngunit wala sa tamang panahon para paunlakan. Tiyakin muna sa sarili na kayang tuparin, bago mangako. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 31, 40 at yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Maaaring may magandang balita na matatanggap. Magiging masaya ang pakikisama o pagsasama ninyo ng mga kaibigan. Mabibigyan ng kasiyahan ang mga magulang o minamahal dahil nasa mood nang pagbibiro o magpapatawa. May pagkakataon na makapagbigay ng magandang payo tungkol sa pag-ibig sa isang kaibigan o kamag-anak. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 22, 25 at cadet blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Mahalaga ang makatiyak at mapag-aral ang mga gagawin para maging positibo ang resulta. Matatapos ang mga gawaing naka-atang kung iiwasan ang tsismisan. Anuman ang marinig na masakit sa tainga, dapat palampasin nang maiwasan ang gulo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 33, 34 at magenta.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Magiging abala sa pinapasukan o sa tahanan. Paandarin ang utak at hindi ang emosyon. Maging tapat sa pakikitungo sa ibang tao o sa mga magulang. Mahalaga ang relasyon ng pamilya. Kailangan ang pagkakaintindihan at pagkakaisa ng bawat kasapi. Mahalaga ang makipag-ugnayan sa komunikasyon. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 24, 40 at aquamarine.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kung ano ang lalakarin ngayon, ipagpaliban muna dahil walang mangyayari. Ang dating hinanakit sa kasambahay, kaibigan o kasamahan ay mapapalitan na ng magaan na pakiramdam. Magiging normal ang takbo ng mga Gawain, gayundin sa larangan ng pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 15, 26 at dollar green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maaaring may pagkakataon na mamagitan ka sa dalawang kasamahan na nag-aaway. Ang iyong payo ay magiging epektibo at mahalaga sa suliranin ng kaibigan o kamag-anak. Nasa iyong kamay ang hakbang para sa madaling ikalulutas nito. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 17, 42 at gold yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) May pagkakataong mailagay ang pagsisikap sa tahanan o pinapasukang trabaho. Isang hindi inaasahang pangyayari ang makapagpapabago sa binabalak na gawain o desisyon. Iwasan ang marangyang paggugol at manapa’t sundin ang naaayon sa budget. Iwasan ang maglasing at magsugal. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 18, 29 at tangerine.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Makakabuti ang pagdalaw sa kaibigan o kamag-anak. Ang lakas ng ESP ang makakalutas sa suliraning taglay. Kung may madaliang gawain, makakabuti ang mag-relax muna bago balikan para maiwasan ang magkamali. Huwag pilitin ang sarili na sundin ang utos ng iba, kung labag sa kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 6, 13, 25, 27 at ruby red.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang labis na pagpupuyat ay siyang pipinsala ng kalusugan na dapat iwasan. Suriin at pag-aralan nang mabuti ang transaksyon bago pumalaot para maiwasan ang magsisi. Ang magandang kapalaran sa pananalapi ay nasa tamang landas kung magsisimula ng negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 9, 10, 21 at violet.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Maging matatag sa pagtanggap ng responsibilidad, patunayan ang kakayahan. Magiging sentro ka nang usap-usapan ng mga kaibigan o kasamahan. Huwag maging pikon. Makakatulong ang payo ng iba sa ikakabuti ng sariling kapakanan. Sundin ang kutob para hindi magkamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 27, 39 at lavender.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Mag-ingat sa pagpapahayag nang kinikimkim na damdamin para walang maghinanakit o masaktan. Pag-aralang mabuti ang magiging epekto ng mga salitang bibitiwan. Maging mapagpakumbaba sa pagharap sa kausap. Maisasaayos ang dating hindi pagkakaunawaan sa tahanan. Kailangang sundin ang payo ng doktor. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 17, 19 at baby pink.

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) Malaking pakikibagay ang kakailanganin sa mga taong makitid ang isip, na malamang makakasagupa ngayon. Sikaping maging magiliw sa mga taong makakatagpo at makakausap, dahil iiral ang iyong kasungitan. Suliranin sa pag-ibig, relasyon o pinansyal ang dahilan kung bakit madaling magalit o mag-init ang ulo. Anumang personal na problema ay huwag dalhin sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 10, 21, 25, 30 at blue.

vuukle comment

KUTOB HULYO15 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with