^

Kutob

Mayo 20, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung kailangan, iwasan ang magbigay ng kumento. Gawin ito para hindi mapaaway. May higit na dapat pag-ukulan ng panahon para guminhawa ang buhay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 29, 31 at royal blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Nasa kamay ang sariling kapalaran, kung seguridad sa trabaho ang pag-usapan. Ingatan ang mahalagang tungkulin na ipinagkatiwala dahil bahagi ito ng pagsubok sa kakayanan. Kung pumaltos ka sa ano mang bagay, walang ibang dapat sisihin kundi sarili. Makakabawi kung magsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 12, 24, 37, 3 at cream.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Magiging katamtaman ang pasok ng pera. Limitahan ang pamamasyal parag hindi magsisi. Huwag balewalain ang tampuhan at hanapan kaagad ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 14, 28, 35 at peach.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil puputaktihin ka ng trabaho. Maipapakita ang kaalaman at kahusayan na hahangaan ng kasamahan o ng boss. Matiwasay na magagampanan ang tungkulin kung iiwasan ang makipaghuntahan o abutin ng katamaran. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Kahit masakit sa kalooban, mapaglalabanan ng sarili ang gustong bilhin dahil sa kakapusan ng pera. Kakapusan ng pera ang siyang suliranin subalit kung pagsisikapan, matutugunan ng kaibigan o kamag-anak. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang tsismis na makapagpapainit ng ulo o may kailangan na siya na hindi mo kayang ibigay. Unahin ang kailangan ng tahanan bago ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 15, 23, 29, 39 at jade green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Disiplina sa sarili ang kailangan dahil magiging mainit sa pag-ibig. Pag-aralan at pag-isipan ng mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magpadalus-dalos. Posibleng makatanggap ng balita na ikakaligaya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 32, 42 at ocean blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Magiging maunlad ang negosyo. Malakas at malaki ang kikitain kung freelancer. Kung ano ang suwerte sa negosyo, kabaligtaran naman sa pag-ibig. Pero walang hindi malalampasan sa taglay na determinasyon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magpakahinahon. Timbangin at pag-isipan nang mabuti bago magsalita o humatol parag maiwasan ang magkamali at makasakit ng damdamin ng kapwa. Kung hindi mag-iingat, may magagawang kapalpakan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 26, 41 at pink.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang hindi pagkakaunawaan sa kaibigan o kasambahay ay magbubunga ng tensiyon. Susubukan ang iyong katapatan sa trabaho kaya maging alerto at maging mapagmasid. Magtipid. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 29, 37 at white.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng payo tungkol sa problema niya, na hindi dapat tanggihan. Iwasan ang makipag-date sa araw na ito. Hayaan ang mahal ang pumunta sa iyong tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 24, 33, 41at strawberry red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Posibleng malagay sa panganib ang mga ari-arian kaya ang mag-ingat ay kailangan. Malabo kang magkapera kung aasa lang sa sugal o paghingi ng tulong. Kailangan ang sipag at tiyaga para matupad ang pangarap. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 17, 25 at blue gray.

vuukle comment

KUTOB MAYO 20

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with