^

Kutob

May 18, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Sisiguraduhin mong magiging maganda ang inyong suyuan ng minamahal ngayon. Kakayanin mo ang nakakapagod na hamon ng araw na ito. Lucky numbers at color for the day ay 1, 15, 29, 36 at lavender.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Mag-isip ka ng mga oportunidad na babagay sa magandang kita. Matatanggap mo ang tiwalang matagal mo nang hinihintay mula sa trabaho o minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 30, 38 at midnight blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Idudulot ng isang tao ang pagsibol ng iyong damdamin. Magigipit ka sa pera sa araw na ito. Mawiwili ka sa bagong tuklas ng sensya. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 16, 28 at turquoise.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Sabay kayong mangangarap ng iyong minamahal tungkol sa maganda ninyong kinabukasan. Hindi mo papansinin ang mga maliliit na bagay na dating nagpapairita sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 12, 36, 41 at dollar green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Pareho ang inyong damdamin sa isa’t isa. Maiging ipagtapat kaagad bago siya mawala sa iyo. Mawawalan ka ng pasensiya sa iyong katrabaho kaya pasensya ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 25, 36 at blue.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Magiging maganda ang reaksyon ng katawan sa gamot na iniinom. Magigipit ka sa isang transaksyong pinasok. Maging matalino sa pagpili ng kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 29, 33 at jade green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Maramdamin ang magiging araw mo ngayon. Mababagabag ang iyong konsensiya sa mga narinig na usap-usapan. Malalampasan mo ang mga ito paglipas ng ilang oras. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 34, 35 at purple.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Ngayon mo malalaman ang katotohanan ng iyong pag-ibig. Pag-ingatan ang mga maseselang bagay na ikukuwento tungkol sa trabaho o pag-ibig dahil mababansagan kang tsismosa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 27, 35 at indigo.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Magiging maalalahanin ang iyong kasuyo ngayon. Isang regalo o pasalubong ang marahil maiabot sa iyo. Isang surpresa ang naghihintay sa pagdating ng isang matagal na kakilala. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 17, 40, at lilac.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Malalagay sa alanganin ang inyong samahan kung hindi ka mag-iingat. Magkakaroon ng ilang alitan sa pamilya ngunit ito ay mabibigyan ng lunas sa bandang huli. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 25, 31 at avocado green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ngayon mo sasariwain ang mga bagay na ginawa niya para sa iyo at ang nakalimutang pagpasalamat ay ngayon mo gagawin. Magiging abala sa pagkakaroon ng maraming gawain. Lucky numbers at color for the day ay 12, 22, 38, 40 at pearl white.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Magdiwang sa pagdating ng magandang kapalaran. Masayahin ang isang katangian na nagustuhan ng iyong mahal sa iyo kaya huwag magsimangot sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 26, 37 at magenta.

vuukle comment

2018

HOROSCOPE MAY 18

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with