^

Kutob

May 15, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Bigyan ng pansin ang pinansiyal na pangangailangan. Tila lalaki ang iyong gastusin sa panahong ito. Isang malapit na kapamilya ang lalapit sa iyo para humingi ng tulong pinansiyal ngunit ‘di mo mapapaunlakan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 25, 32 at pearl pink.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Walang makakapansin sa iyong ginintuang puso, subalit huwag tumigil sa paggawa ng kabutihan sa kapwa. Ang nasa itaas ang magbibigay ng biyaya sa iyo, kaya patuloy kang manalig sa kanya. Lucky numbers at color for the day ay 10, 21, 31, 40 at garnet red.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Tumahimik ka muna kung nag-uumpisa na namang magbubunga ang iyong asawa tungkol sa pera. Kailangan mong harapin na talagang kinakapos ka sa pera. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 17, 31 at citrine yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Makakatagpo mo ang dati mong mahal. Hahantong na naman sa bawal na relasyon ang inyong pagkikita. Mararamdaman mong mahal ka pa rin niya sa kabila ng lahat na ikaw ay hindi na malaya. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 24, 32 at peach.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Hawakan mong mabuti ang natanggap na pera. Hindi pa panahon para gastusin ito. Mag-ingat sa pakikisalamuha sa mga bagong kakilala, baka ikaw ay mabiktima. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 15, 31 at mint green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Subukang makipagkita sa dating kasosyo sa negosyo. May mabuting pangyayari ang darating sa iyo sa araw na ito. Huwag ipakita sa mahal sa buhay ang pagpatak ng luha. Maging matatag. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 27, 39 at violet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Dadalawin ka ng isang kamag-anak dahil sa suwerteng natamasa. Huwag maging maramot. Ganyan talaga ang buhay, kung sino ang mayroon, siya ang nilalapitan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 22, 27 at cherry red. 

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kakayanin mo ang pagod sa maghapon. Kailangang magpahinga ng todo para makabawi.Kung papabayaan mo ito, magiging sanhi ito ng karamdaman. Lucky numbers at color fo the day ay 7, 12, 23, 34 at avocado green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kukomprontahin ka ng iyong mahal dahil sa hindi maipaliwanag na pangyayari. Magkaroon ng kaunting tampuhan sa pamilya ngunit huwag mag-alala at madali itong mareresulba. Lucky numbers at color for the day ay 1, 11, 20, 36 at blue. 

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Lalo mapapamahal sa iyo ang iyong mahal dahil sa ipinapakita mo sa kanya. Kung hihingi ka ng pinansiyal na tulong sa isang kaibigan o kamag-anak, hindi ka mabibigo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 15, 22, 35 at dirty white.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mabibiktima ka ng isang panlilinlang kung magpapabaya at hindi ma-igingat. Mapapanatili mo ang kanilang paghanga at pagrespeto sa iyo. Ipagpatuloy ang mataas na respeto sa komunidad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 31, 40 at silver.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Hindi ka kikibuin ng iyong iniirog. Huwag hayaan na lumala ito, pag-ukolan siya ng panahon. Paglalambing at pagsuyo ang kailangan mong gawin. Kung maaari, ilabas mo siya para lalo siyang maniwala na hindi ka nagbago. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 14, 22 at honey yellow.

vuukle comment

2018

HOROSCOPE MAY 15

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with