PSC Cup sa Biñan, Laguna
Biñan City, Laguna – Pinaghandaan nang husto ng mahigit 36 qualifiers mula sa iba’t ibang bahagi ng Luzon ang 2018 Philippine Sports Commission-Manny Pacquiao Amateur Boxing Cup Luzon Quarterfinals ngayon sa Jose Rizal Covered Court dito.
Lahat ng mga qualifiers ay nakakuha ng slots matapos ang Luzon Preliminaries noong Enero 28 sa Sorsogon City.
Ang mga mananalo ay aabante naman sa Luzon Semifinals sa Pebrero 24 at 25 sa Lingayen, Pangasinan.
Nagpahayag din ng kahandaan sina B-Boy Cenita ng Mandaluyong sa junior boys pinweight category, Collin John Bahusan ng Baguio City sa junior boys pinweight at Carlo Belaro ng Prieto Diaz, Sorsogon sa youth boys flyweight category.
Ayon naman kay Jongie Ramos ng Pili, Camarines Sur ay ibubuhos na niya ang lahat para makarating sa semifinals ng youth boys flyweight pati na si Jano Bartolay ng Bulan, Sorsogon sa youth bantamweight at Nicolas Inocencio ng Mandaluyong sa youth boys bantamweight class.
Malaki rin ang pag-asa ni Rommel Loreca ng Cambulaga, Sorsogon City na makapasok sa susunod na round sa youth boys bantamweight at si Francis Ayaay ng Iriga City sa youth boys light flyweight division.
- Latest