Ayaw na ng iba Aljur gusto nang makatuluyan ni Kylie
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2013 - 12:00am

PIK: Lalong na-excite si Direk Joel Lamangan na magsimula silang mag-shooting ng pelikulang Burgos kung saan ginagampanan ni Lorna Tolentino ang role bilang si Mrs. Editha Burgos.

Pagkatapos magpagupit ni Lorna ng buhok at patandain ito para mahabol ang edad ni Mrs. Burgos, lumabas na parang kamukha na niya talaga ang ina ng aktibistang si Jonas Burgos.

Si Rocco Nacino naman ang gu­manap na Jonas, na naging kamukha na rin niya ito pagkatapos lagyan ng goatee.

Si Harlene Bautista ng Hea­ven’s Best Productions pala ang nag-produce nitong Burgos na maaring gagawing opening film sa Cinemalaya Independent Film Festival sa July.

PAK : Ayaw nang patulan pa ni Andeng Bautista-Ynares ang mga paninira sa kanila ng kalaban sa pulitika ng asawa niyang si Dr. Junjun Ynares na tumatakbong Mayor ng Antipolo.

Sabi ni Andeng, nagsusumbong na lang daw siya sa Daddy niya, kay dating Sen. Ramon Revilla Sr. kapag may nakakarating sa kanila na sobrang personal na paninira. Ipinagdarasal na lang daw nila ito.

Pati nga ang ilang kaibigan nila sa showbiz gaya nina Dingdong Dantes at Kuya Boy Abunda ay ginagamit nitong kalaban ni Gov. Junjun dahil basta na lang naglalabas ng tarpaulin na may litrato nina Dingdong na parang ini-endorse ito. Pero kinlaro ng kampo ni Dingdong at ni Kuya Boy mismo na wala silang ini-endorse na kandidato sa Rizal lalo na sa Antipolo.

BOOM : Inamin ni Kylie Padilla na hanggang ngayon ay meron pa rin daw  nagbabantay sa kanya na tila kontra pa rin sa relasyon nila ni Aljur Abrenica. Hindi naman daw ang ama niyang si Robin Padilla, kundi ang ilang miyembro ng pamilya na hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap si Aljur.

Mabuti at  okay na raw sina Robin at Aljur, at wish ni Kylie, sana si Aljur na nga raw ang first and last boyfriend niya.

Ayaw na raw niyang ma-involve pa sa iba, dahil masaya na raw siya sa aktor, kahit galit-bati ang drama nilang dalawa.

Kahit bihira raw sila nagkikita dahil abala naman si Aljur sa Indio, at siya naman ay sa Unforgettable,  okay daw ang komunikasyon nila at hindi naman daw nagkulang si Aljur sa kanya.

ALJUR ALJUR ABRENICA ANDENG BAUTISTA-YNARES AYAW BEST PRODUCTIONS BURGOS CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL DINGDONG DANTES DIREK JOEL LAMANGAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with