^

Pang Movies

Navy war ship ng bansa ipinagamit sa GMA

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Dapat pala ay nasa finale pa si Michelle Madrigal as Chantal sa wedding scene ni Marian Rivera as Angeline sa The Last Temptation of Wife sa Friday pero kailangan na siyang alisin sa  soap kahit nakapag-taping na siya dahil sa Monday ay magsisimula na siyang mapanood as the wife of Richard Gutierrez naman sa suspenserye na Love and Lies. Biro sa kanya, baka kaya siya inalis, guguluhin pa niya ang kasalan.

“Hindi. Mabait na si Chantal,” natatawang wika ni Michelle.  “Kasi nga mag-i-end ako sa wedding scene sa Temptation of Wife ’tapos sa Monday (April 8) kapalit nito, ako naman ang ikinakasal kay Richard sa isang military wedding na, personally, dream wedding ko iyon kung sakaling military man ang mapapangasawa ko. At least, dito, dahil isang Navy man si Chard, isang bonggang military wedding ang opening scene namin kaya tuwang-tuwa si Chard dahil dream wedding din pala niya iyon.”

Dahil mag-asawa sila ni Richard, may kissing scenes sila, hindi ba nagseselos ang boyfriend niya? Hindi raw naman. Sinasabi niyang may reason kung bakit kailangan ang kissing scene. Kasama sa action-drama ang dati niyang boyfriend na si John Hall. Hindi naman kaya siya pala ang pagselosan ng BF niya? Sagot niya ay hindi uli. Dahil wala silang eksenang magkasama ni John na ang role ay isa sa mga kasamang Navy ni Richard. 

Naiiba kay Michelle ang Love and Lies dahil may mga action scene siya after niyang ma-kidnap at nagpalipat-lipat sila ng lugar habang itinatago siya sa naghahanap niyang asawa.

Natanong din namin si Michelle kung alam niyang lilipat ng ibang network ang friend niyang si Lovi Poe. Wala siyang alam pero nagulat siya nang hindi dumating sa story conference si Lovi na isa rin sa leading lady ni Ri­chard. Kinabukasan na raw lamang niya nalaman na wala na si Lovi at pinalitan na ito ng friend din niyang si Bela Padilla.

Humanga kami sa audio-visual presentation at sa music video ng Love and Lies na idinirek ni Mark Reyes bago ang formal launch.

Feature rito at ipinagamit ng ating Philippine Navy, ang isang malaking Navy war ship, ang Barko ng Republika ng Pilipinas Emilio Jacinto PS 3P na gamit ng Corvett Class na kinabibilangan ni Richard sa story. 

Kuwento ni Direk Mark, ang Navy ship kung naka-dock sa Manila Bay at kailangang gamitin sa war, ang bawat paputukin nitong bullet ay kailangang may presidential approval pa dahil bawat bullet na gagamitin ay nagkakahalaga ng P1 million. Kayang umabot ang bala na papuputukin hanggang SM Megamall sa Mandaluyong.

vuukle comment

BELA PADILLA

CHANTAL

CORVETT CLASS

DAHIL

DIREK MARK

JOHN HALL

LAST TEMPTATION OF WIFE

LOVE AND LIES

MICHELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with