Marian hindi pa tapos sa kapipirma sa mga magasin
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - April 1, 2013 - 12:00am

Bumisita kami sa second to the last taping day ng Temptation of Wife at nakuwento ni Marian Ri­vera na nalulungkot siya sa pagtatapos ng soap da­hil mami-miss ang mga kasama mula sa staff, crew, at co-stars.

Nalaman naming sa last taping day ay namigay siya ng Sueῆos Shoes sa staff at crew at sa ginawa ni Marian ay natulungan nito ang YesPinoy Foundation ni Dingdong Dantes. Bawat isang sapatos na nabibili, ang P100 ay napupunta sa YesPinoy Foundation para matulungan ang mahihirap na school children.

Samantala, may clue si Marian sa magiging en­ding ng Temptation of Wife, sabi nito, lahat ng soap niya ay ikinakasal sila. Kaya alam na! Hintayin n’yo na lang ang ending kung sino kina Marcel (Dennis Trillo) at Nigel (Rafael Rosell) ang kanyang ma­kakatuluyan. Deserving daw ang karakter na ito na makatuluyan ni Angeline sa laki ng hirap at suporta sa kanya at deserving din na maging masaya si Angeline sa taong ito.

Oo nga pala, napansin naming hindi pa rin tapos ang autograph-signing session ni Marian ng FHM kung saan cover siya ng January issue. Hanggang ngayon ay pumipirma pa rin siya ng copies ng men’s magazine at kasamang pinapipirmahan sa kanya ang Cosmopolitan magazine na cover siya ng February issue.

Abangan n’yo this April-May issue at cover si Marian ng People Asia ng Star Group, first time niyang cover ng nasabing magasin at excited din ito sa kalalabasan at sa magiging sales.

Sid inayawan din ng nanay ni Heart!

Sa presscon mamaya ng Love and Lies ay siguradong matatanong si Sid Lucero kung toto­ong kaya mabilis natapos ang relasyon nila ni Heart Evangelista dahil ayaw ng mom ng aktres? Ang dia­logue raw ni Heart kay Sid dati ay “My mom doesn’t like you” at isa sa mga rason kung bakit na-frustrate ang aktor at pinabayaan ang career hanggang tumaba at kung anu-ano pa.

Ang tagal nabakante ni Sid at nabalitang naging problema sa taping ng last soap niya sa GMA 7 na isang afternoon soap. Bumalik na lang ang karakter nito noong patapos na ang soap kaya sa halip na siya ang bida, naging si Frank Magalona.

Anyway, sobrang thankful si Sid sa panibagong chance na ibinigay sa kanya ng Ch. 7 at isinama siya sa cast ng Love and Lies na pilot sa April 8 dahil magiging ama na siya dahil buntis ang GF. Bida ng suspense serye si Richard Gutierrez at mamaya pa lang namin malalaman kung kontrabida ang role nila ni Paolo Contis.

Direk Mark ipinasa na ang pagpapakilig kay Direk Albert

Si Mark Reyes ang direktor ng Love and Lies at para makapag-focus siya sa pagdidirehe ng suspense serye, kinailangang mag-resign si direk sa Teen Gen. Pinalitan siya ni Albert Langitan at sa napapanood, okay ang ginagawa ni Direk Albert, hindi nawala ang kilig sa Sunday series.

Hindi nga naman kakayanin ni Direk Mark na magdirek pa ng Teen Gen na magdamag din ang taping dahil madugo ang taping ng Love and Lies at puyatan pa ng husto. Nagdidirek pa siya ng Party Pilipinas at Eat…Bulaga. Kaya hindi na kakayanin.

Gwen Zamora enjoy na enjoy sa probinsiya ng BF na stepson ni Cristina Gonzales

Dahil sa Twitter, Instagram, at Facebook ay mabilis nalaman kung saan nag-Holy Week ang mga celebrity. Kanya-kanya kasing tweet at post ng pictures sa kanilang bakasyon ang mga celebrity. Hindi na hinintay na press ang mag-report dahil sila na mismo ang nagre-report kung nasaan sila.

Gaya na lang sa kaso nina Gwen Zamora at Ellen Adarna, nalamang sa Tacloban City sila nag-Holy Week. Taga-roon kasi ang boyfriend ni Gwen na si Raymund Romualdez, anak ni Tacloban Mayor Alfred Romualdez sa unang nakarelasyon at stepson ni Councilor Cristina Gonzales.

Kasama ni Gwen na pumunta ng Tacloban si Ellen at ang BF nito at isa pang kaibigan. Sabi ni Gwen, love niya ang Tacloban at mas mamahalin pa ‘pag nagkatuluyan sila ng BF.

  Napansin pala namin na medyo may hawig si Gwen kay Cristina, ibig sabihin pareho ng type sa babae ang mag-amang Alfred at Raymund.

DIREK ALBERT DIREK MARK GWEN GWEN ZAMORA HOLY WEEK KUNG LOVE AND LIES SID SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with