The Dawn kakantahin ang theme song ng JAM Liner
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ang sikat na bandang The Dawn ang kakanta ng theme song ng JAM Liner. Pumirma sila kamakailan ng kontrata sa naturang bus company para gawin ang kantang lalong magpapakilala sa kompanya.

Nagkaroon din ng  special  tour si Jet Pangan ng The Dawn sa Jam para makita ang innovative hi-tech fleet nito which features a global positioning system o GPS.

Ang  state-of-the-art tech­nology na ito ay ka­yang i-monitor hindi lang ang driving speeds kundi pati ang exact location ng bus.

Nagdagdag din ang JAM Liner ng additional 40 buses na may apat na TV screens, free WiFi at mga electric plugs sa bawat upuan para sa cellphones, tablets and laptops.

Present sa contract signing sina Renato Mapili (vice president -- Human Resources),  Regina Laurente Macailing (vice president -- Finance), Jett Pangan of The Dawn, Dennise C. Trajano (president), Rodelio I. Domingo (vice president -- Operations) at  Ma. Christina B. Guevarra (vice president -- Marketing).

Bumibiyahe sa Manila, Laguna, Batangas and Quezon ang JAM na ang slogan ay  JAMpacked sa serbisyo, JAMpacked sa saya.

For more information, visit www.jam.com.ph.

BATANGAS AND QUEZON CHRISTINA B DENNISE C HUMAN RESOURCES JET PANGAN JETT PANGAN OF THE DAWN REGINA LAURENTE MACAILING RENATO MAPILI RODELIO I
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with