Bukod sa starlet, Cesar nagparamdam din kay Valeen Montenegro?!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - February 8, 2013 - 12:00am

PIK: Hindi matutuloy ang Seoul Invasion concert na gaganapin sa Aliw Theater bukas.

Mas pinaghandaan pa nila ang naturang concert dahil meron pa raw idadagdag na mas kilalang K Pop band na dadagdag sa mga limang K Pop band galing Korea.

Sa halip na February 9, sa March 22 na ito itutuloy sa Aliw Theater.

PAK: Pagkatapos magpaka­sal ng sexy come­dienne na si Chariz Solomon nung nakaraang taon, gusto na raw niyang mabuntis ngayon.

Pero biglang nabigyan siya ng afternoon drama na Unforgettable kaya ipu-postpone raw niya muna.

Nandiyan daw kasi ang feeling niya na parang naglilihi dahil kinukondisyon na raw niyang mabubuntis na siya.

Pero ngayon ay naiba ang desisyon at gusto na raw niyang magtrabaho pa, para maka­pag-ipon pa silang mag-asawa bago ito magka-baby.

BOOM: Itinanggi ni Valeen Montenegro ang intrigang pinormahan siya ni Cesar Montano.

Nagkaroon ng malisya ‘yung pagti-text nila nung nagka­sama sila sa Artista Aca­demy.

Sabi ni Valeen; “Ang totoong story diyan, ‘di ba si Cesar nagpi-paint? Sinabi ko ‘yung lolo ko si Mario Montenegro is a painter also. Ang lola ko gusto ibenta ang mga paintings niya.

 â€œSabi niya, gusto niya akong tulungan na ibenta ang mga paintings ng lolo ko. Dun nag-start na nag-exchange kami ng numbers ganyan. Pero ‘yun lang ‘yun, natulu­ngan niya ako actually na i-market ang paintings ng lolo ko. ‘Yun lang naman po yun.”

Nakakahiya raw kay Cesar na mabigyan ng malisya iyun dahil mabait naman daw ang aktor at maayos daw ang trato sa kanya bilang baguhan din sa TV 5.

Ngayon ay nag-enjoy si Valeen sa pagiging Ka­patid talent dahil maganda ang feedback sa prog­rama nila ni Mr. Fu na Jeepney Jackpot na na­pa­panood tuwing alas-singko ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Mas lumaki pa nga ngayon ang jackpot na pinamimigay na umabot pa raw ng 150 thousand pesos.

ALIW THEATER ARTISTA ACA CESAR MONTANO CHARIZ SOLOMON JEEPNEY JACKPOT K POP MARIO MONTENEGRO PERO SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with