Luis at Jennylyn pasok sa Extra ni Ate Vi
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - February 7, 2013 - 12:00am

Curious kaming malaman kung sinong Kapamilya star at Kapuso star ang maggi-guest sa Extra, ang first indie film ni Batangas Gov. Vilma Santos. Ayaw magbigay ng clue si Vilma, lalo na ang producer na si Atty. Joji Alonso, kaya palaisipan kung sino ang dalawang ito.

May nagpapalagay na sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado, pero malay natin dahil ayaw magsalita sina Vilma at producer ng movie. For 2013 Cinemalaya ang Extra sa direction ni Jeffrey Jeturian at isasali sa Cannes Film Festival. Nanibago si Vilma sa shooting, pero nag-i-enjoy ito.

Carl Guevarra pinagtitiyagaan si Kris

Walang naniwala kay Carl Guevarra na hindi pa rin siya sinasagot ni Kris Bernal after seven months na panliligaw sa dalaga. Ang hindi itinatanggi ni Carl ay lumalabas pa rin sila kahit walang kasiguraduhan na sasagutin siya ng dalaga.

Natawa si Carl sa payo ng ibang press na iwan na si Kris at maghanap ng ibang maliligawan kung ganitong pinaghihintay siya ng matagal. Sayang at hindi namin nasilip ang celfone nito dahil kung picture pa rin ni Kris ang wall paper, aba’y mahal nga niya ang aktres o baka sila na talaga.

Anyway, back to acting si Carl at sila uli ni Jennica Garcia ang magkatambal sa Afternoon Prime na Bukod Kang Pinagpala na pilot sa Monday. Nakatutuwa ang dalawang ito dahil hindi na kailangang magkarelasyon para magkaroon ng chemistry at magandang working relationship.

Marian inihahanda na ang sarili sa pag-atake ng sakit!

Kahit may gamot, inihahanda na ni Marian Rivera ang sarili sa sinabi ng doctor na may araw na biglang aatake ang sobrang pananakit ng kanyang ulo. Dala na rin ito ng matagal niyang pagpupuyat, stress at pagod.

Nagtawanan nga pala ang press sa sinabi ni Marian na gamay na nila ni Richard Gutierrez ang isa’t isa at alam na nila kung paano kapain ang bawat isa sa ginagawa nilang pelikulang My Lady Boss. Ano raw ba ang kinakapa nila, kaya pinalitan nito ng “komportable” ang salita.

Samantala, napanood kagabi ang isa sa mga highlights ng Temptation of Wife, kung saan, inamin na ni Chantal na siya si Angeline (Marian). Nag-enjoy ang viewers sa dalawang beses na pagsampal niya kay Heidi (Glaiza de Castro).

Sandy todo ang gagawing kampanya para kay Boyet

Todo ang suporta ni Sandy Andolong sa asawang si Christopher de Leon na tatakbong congressman sa second district ng Batangas. Hindi man fulltime na makakasama sa kampanya ni Boyet dahil may trabaho rin siya, magiging active pa rin si Sandy sa motorcades at campaign sorties na puwede siya.

Tutulong sa kampanya ni Boyet ang kanilang mga anak at mga kaibigan. Takot man si Sandy sa panibagong position na tatakbuhan ng asawa, nakikita niyang napaka-passionate ni Boyet sa hangaring makapagsilbi.

Magkasama sina Sandy at Boyet sa Pahiram ng Sandali, pero wala silang eksenang magkasama. 

Kidlat ginamit sa chichirya

Masaya ang mga involved sa Kidlat ng TV5 sa nalamang ginamit ang logo at mukha ni Derek Ramsay na naka-costume at maskara sa wrapper ng isang klase ng chichirya. Patunay  ito na bentang-benta sa mga bata ang teleserye ng TV5 at ang karakter ni Derek.

Hindi official merchandise ng TV5 ang produkto, kaya mas flattered ang lahat ng bumubuo ng teleserye, lalo na siyempre si Derek. Nakuwento na rin nito na kahit sa liblib na lugar sa Palawan, Kidlat ang tawag sa kanya ng mga bata at kahit saan siya magpunta ngayon, ‘yun na ang itinatawag sa kanya.

 

AFTERNOON PRIME BATANGAS GOV BOYET BUKOD KANG PINAGPALA CANNES FILM FESTIVAL CARL GUEVARRA KIDLAT VILMA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with