Kuwento ng tagumpay ng mga Mr. Pogi ilalahad sa Magpakailanman
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - December 21, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado, dalawang kuwento ng tagumpay ang ilalahad sa espes­yal na episode ng Magpakailanman. 

Marami ang naghahangad na maging sikat na artista, at karamihan sa kanila ay gusto ito dahil sa pagnanais na iangat ang kanilang mga pamilya mula sa kahirapan. Kabilang na rito sina Jaylord Casino at John Edric Ulang na parehong nangarap, naniwala, at nagwagi bilang mga Mr. Pogi.

Pareho man ng landas na narating sina Jaylord at John Edric, magkaiba naman ang kanilang mga pinagmulang mundo — at pamilya.

Aminado si Jaylord na hirap siya sa kaniyang pag-aaral —isang bagay na hindi ikinatutuwa ng ama niya. At kahit anong pag-aaral ang gawin ng binata, hindi nito nagagawang mag-uwi ng matataas na grado mula sa school. Pakiramdam ng ama niya ay nagbubulakbol lang ang binata, na siya namang pagmumulan ng hinanakit ni Jaylord sa ama.

Ganoon pa man, pipilitin ni Jaylord magsumikap para lamang ipakita sa ama na gusto rin nitong maiahon ang pamilya nila mula sa kahirapan — at makikita ni Jaylord ang chance niya nang yayain siya ng mga kaibigan na mag-audition para sa Mr. Pogi.

Pero paano ipatatanggap ni Jaylord sa ama ang pagsali niya sa isang contest na walang kasiguraduhang maipapanalo niya?

Sa kabilang bahagi, kung gaano kalayo ang mga damdamin nina Jaylord at ng kaniyang ama ay ganoon naman kalapit si John Edric sa kanyang tatay.

Mula pagkabata, nakikitaan na si John Edric ng future sa mundo ng showbiz at maging ang sarili niyang ama ay nag-e-extra na noon sa mga pelikula. Pero masisira ang mga pangarap ni John Edric nang makilala niya si Michelle, ang babaeng iibigin niya.

Halos hindi mapaghiwalay sina John Edric at Michelle sa isa’t isa, bagay na ikababahala ng mga magulang ng lalaki. At mangyayari nga ang ikinatatakot nila nang ibalita ni John Edric na nabuntis niya si Michelle.

Dito na tatapusin ni John Edric ang pangarap niya na maging artista. Tulad ng kaniyang ama, itutuon na niya ang lahat ng oras niya para mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak niya. Hanggang sa isang sikreto ang yayanig sa lahat ng pinaniniwalaan niya.

Alamin ngayong Sabado kung paanong mula sa pagtalikod sa kanyang pangarap ay nakamit ni John Edric ang titulo bilang Mr. Pogi ng 2012.

Samahan si Miss Mel Tiangco sa kanyang paglalahad ng dalawang kuwento ng tagumpay, kasama ng mga natatanging pagganap nina Derrick Monasterio at Jake Vargas, sa Magpakailanman, 7:30 p.m., GMA 7.

AMA DERRICK MONASTERIO EDRIC JAYLORD JOHN JOHN EDRIC MICHELLE MR. POGI NIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with