Gerald nagbagong anyo na, pumayag maging professional killer­
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2012 - 12:00am

 

May bagong look ngayon si Ge­rald Anderson bilang paghahanda sa pelikulang OTJ. Nagte-training na raw ngayon ang binata para sa nasabing proyekto. “Ang role ko rito, isa akong professional killer. Si Piolo (Pascual) ‘yung counterpart ko na isang NBI agent. Kung ano’ng look ko ngayon, ‘yun ang look ko sa movie. Marami kaming preparation mula sa physical look, costume, sa training at pati emotionally, kailangan ready din kami,” bungad ni Gerald.

Isang malaking hamon daw para sa aktor ang kanyang kakaibang role sa pelikula lalo pa’t hindi ganitong klase ang mga ginagawa niya noon. “Iba talagang experience ito. I am very excited kasi iba ‘yung story at iba ‘yung atake na gagawin. Actually, two years ago naikuwento na sa akin ni Piolo ito, kaya lang hindi natuloy. Tapos, around two months ago, ibinalik. Sabi ko, ‘Yeah, let’s do this,’ kasi ang ganda ng script,” kuwento ng binata.

Samantala, masaya raw si Gerald sa pagiging single ngayon. Wala mang karelasyon ang binata ay nalilibang naman daw siya sa piling ng mga kaibigan. “Oo naman, ganun talaga ang buhay eh. Kailangan mong gumawa ng paraan, kung heart broken ka man o may pinagdadaanan ka sa buhay. And being with my friends is my way of staying real eh. ‘Yun ang humihila sa akin to keep my feet on the ground. Sobra talaga kaming tight,” giit pa ni Gerald.

Zanjoe pinapantasya pa rin si Bea kahit sila na

Patuloy pa ring pinipilahan sa mga sinehan ang pelikulang 24/7 In Love na pinagbibidahan ng pinaka-malalaking artista ng Star Magic. Kasama sa nasabing proyekto ang magkasintahang sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Ayon sa dalawa ay na-enjoy daw nila ang kanilang pelikula at posibleng magsama ulit sila sa mga susunod nilang proyekto. “Siguro lalong mas magiging weird for both of us, ‘yung pakikipagtrabaho sa karelasyon namin except for this one na mabilis lang at hindi naman siya ganun kabigat na project. Pero siguro kung merong magandang istorya na darating sa amin, para sa akin, why not? I really don’t know, it depends on the material talaga,” nakangiting pahayag ni Bea.

Anong klaseng tema naman kaya ng pelikula ang gustong gawin ni Zanjoe kasama ang kasintahan? “Hindi ko alam eh, siguro fantasy. Kasi ikaw (Bea) ang pantasya ko,” natatawang sagot ni Zanjoe.

Marami ang nakapansin sa aktor sa magaling niyang pagganap bilang isang bading sa pelikula. “Nakakatuwa na sinusuportahan kami at ‘yung 20th anniversary ng Star Magic. Sa role tawang-tawa ako, ay hindi, diring-diri ako dun,” pabirong pahayag ng aktor.

Reports from JAMES C. CANTOS

ANONG BEA BEA ALONZO IN LOVE LSQUO MARAMI SI PIOLO STAR MAGIC ZANJOE ZANJOE MARUDO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with