^

Metro

300 tauhan ng DOH nagpositibo sa COVID-19

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
300 tauhan ng DOH nagpositibo sa COVID-19
“Marami rin po infected, marami rin po naka-quarantine kaya ngayon po medyo mababa po ‘yung workforce namin. But we are still doing and continuing work,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Umabot na sa 300 tauhan ng Department of Health (DOH) ang nagpositibo sa COVID-19 habang nasa 400 naman ang sumasailalim sa ‘quarantine’ dahilan para bumaba ang kapasidad sa paggawa ng ahensya.

“Marami rin po infected, marami rin po naka-quarantine kaya ngayon po medyo mababa po ‘yung workforce namin. But we are still doing and continuing work,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang trabaho sa ahensya dahil sa matagal na nilang ipinatutupad na ‘skeletal workforce’.

Inaasahan na marami na sa mga tauhan nila na nasa ‘isolation’ ang babalik sa trabaho dahil sa binagong polisiya at mas pinaiksing ‘quarantine period’ sa mga bakunado na healthcare workers na nalantad o infected ng COVID-19.

“But because of this new policy direction that we have, ‘yung shift, nakapagbawas na po kami and we are slowly nakakapag-return sa mga bilang ng mga tao sa bawat opisina,” paliwanag ni Vergeire.

Una nang kinontra ng ­ilang sektor ang pagpapababa sa quarantine period sa mga healthcare workers. Ngunit sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi naman ito sapilitan at maaa­ring magdesisyon ang iba’t- ibang healthcare institution kung susundin ito.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with