^

Bansa

Saudi may pondo na para sa hindi nabayarang claims ng OFWs - DMW

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naglaan na ng pondo ang gobyerno ng Saudi para sa hindi pa nababayarang sahod ng mga overseas Filipino workers na dating nagtatrabaho sa mga kumpanyang nabangkarote, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Hindi bababa sa 10,000 OFWs na nagtrabaho sa 9 na kumpanya ng Saudi na nagdeklara ng bangkarota kasunod ng krisis sa ekonomiya noong 2015 ang makakatanggap ng “buong bayad,” sabi ni DMW Undersecretary Bernard Olalia.

Ayon naman kay DMW Secretary Susan Ople, malinaw at ramdam nila ang commitment ng Saudi Arabia.

Hindi na anya sila nagtanong tungkol sa kabuuang halaga ngunit kinumpirma sa kanila ni Minister Ahmed bin Sulaiman Al-Rajhi, na namumuno sa Ministry of Human Resources and Social Development, na ito ay nasa Ministry of Finance ng Saudi Arabia.

Ayon pa sa kalihim, ang mga pondo ay sapat upang bayaran ang lahat ng hindi pa nababayarang mga claim.

Noong 2022, nangako ang gobyerno ng Saudi Arabia na sasagutin ang hindi nababayarang suweldo ng humigit-kumulang 10,000 displaced OFWs mula sa mga kumpanyang nabangkarote noong 2015 hanggang 2016.

Ayon kay Olalia, naging mabagal ang pagproseso ng mga claim dahil kinailangan ng gobyerno ng Saudi na hintayin ang pag-liquidate ng mga ari-arian ng mga bankrupt na kumpanya.

Samantala, sa kanilang pagpupulong, sinabi ni Ople na humiling ang gobyerno ng Saudi ng mas mahabang panahon bago ilabas ang mga claim para ma-validate ang mga pangalan kasama ang kanilang mga rekord sa trabaho.

Nangako ang gobyerno ng Saudi na i-update ang mga ito sa mga darating na buwan tungkol sa katayuan ng mga hindi nabayarang claim.

vuukle comment

DMW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with