^

True Confessions

Dioscora (95)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Ang babaing walang pahinga)

“Bakit po hindi mabuti, Mam?’’ tanong ni JC na may pag-aalala.

“Personal. Saka ko na lang sasabihin sa inyo. Kaya ko pa naman kaya don’t worry. Kapag hindi ko na kaya saka ako magpapasaklolo.’’

“Mabigat po?’’ tanong naman ni Maria na halatang nag-aalala rin.

“Hmmm, mabigat. Pero huwag na nating pag-usapan ‘yun. Ako na lang muna ang bahala roon. ‘Yung ma­saya ang pag-usapan natin, okey JC, Maria?’’

“Opo mam,’’ sagot ni JC.

“Kumusta ang studies n’yo?’’

“Okey naman po Mam. Malaki po ang possibility­ na maka-graduate ako next year. Halos lahat ng units nakuha ko ngayon.

Makakapagmartsa ako at makakakuha ng board exam next year din.’’

“Wow, pinahanga mo ako, JC. Ang husay mo talaga. May­roon nga pala akong ibibigay na laptop sa inyong dalawa. Alam kong kailangan n’yo ‘yun. Nasa kotse.’’

“Salamat po Mam,’’ sabi ni JC na halatang excited sa sinabi ni Mam.

“Ikaw naman Maria, kumusta ang studies. Kumusta ang future nurse?’’

“Okey po Mam. Walang problema.’’

“Good! Pagbutihan mo pa ha?’’

“Opo Mam.’’

“Siyanga pala baka ma­tagalan ako bago makabalik dito. Baka mawala ako ng isang buwan. Kaya ibibigay ko na ang allo­wance n’yo at iba pang pangangailangan.”

“Saan ka pupunta Mam?’’ tanong ni JC.

“Malayo.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with