^

True Confessions

Dioscora (91)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

PABULONG na nagsalita si JC kay Angel.

“Nakakatakot talaga si Sir. Kinakabahan na naman ako.’’

“Baka ka marinig JC…’’

Tama si Angel, narinig ng terror na prof ang sinabi ni JC.

“Do you have any problem, Mr. De Jesus?’’ tanong nito.

Napalunok si JC.

“N-nothing Sir.’’

“Kung may problema ka, sabihin mo at huwag pabulung-bulong. Mali­wa­nag?’’

Putlang-putla si JC.

“Opo Sir. Sorry Sir.’’

Naupo ang prof at nagsimulang binalasa ang class cards. Ganito ang estilo ng prof na ito. Walang sabi-sabi o anunsiyo na magkakaroon ng recitation.

Madalas ang tibok ng puso ni JC. Malakas ang kutob niya, siya ang tatawagin ni Mr. Terror.

Hindi siya nagkamali. Siya ang tinawag at tinanong.

Mahirap ang tanong pero alam ni JC sapagkat iyon ang pinag-aralan niya kagabi.

Nasagot niya nang walang kagatul-gatol ang tanong ni Mr. Terror.

Walang masabi ang prof sa isinagot ni JC.

Ang mga kaklase ni JC ay humanga sa kanya dahil sa tamang sagot.

Sa loob-loob ni JC, nakabawi siya kay Mr. Terror sa ginawa nitong panghihiya sa kanya kanina.

Nang labasan na nila, sumabay sa kanya si Angel. Luminga-linga muna ito bago nagsalita. Mahina lang.

“Grabe si Mr. Terror ano, JC. Ang hina na ng pagkakasabi mo kanina e nari­nig pa. Nanghihiya! Buti na lang matalino ka at nasa­got ang tanong niya. Kung hindi, tiyak na ipahihiya ka pa nang todo.’’

Napangiti lang si JC.

“Sa sunod na klase natin, huwag ka nang magko-comment sa kanya.’’

Itutuloy

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with