^

PSN Palaro

Goodbye UP!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Lina lalaro sa San Beda

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nilisan ni Bismarck Lina ang kampo ng University of the Philippines para samahan ang San Beda University sa kampanya nito sa NCAA men’s basketball tournament.

Pormal nang inihayag ni Lina ang paglipat nito sa Red Lions kung saan sasailalim ito sa isang taong residency bago tuluyang makasama ang Mendiola-based squad sa Season 100 ng liga.

Malaki ang pasasalamat ni Lina sa mainit na pagtanggap ng San Beda sa kanya.

“Thankful ako dahil welcome ako sa kanila,” ani Lina.

Umaasa si Lina na mas lalo pang mahuhubog ang talento nito sa San Beda lalo pa’t maganda ang prog­rama ng unibersidad sa basketball.

Nagpasalamat ito sa pamunuan ng Fighting Maroons, sa coaching staff nito at sa kanyang mga na­ging teammates sa na­ging magandang karanasan nito habang naglalaro ito sa UP.

Itinuturing nitong isang pamilya ang UP kaya’t malaki ang tatanawin ni­tong utang na loob sa unibersidad.

Dalawang seasons itong naglaro sa UP.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with