COVID-19 vax exemption cards, ‘di otorisado
MANILA, Philippines — Hindi kinikilala ng gobyerno at peke ang mga naglalabasang COVID-19 vaccination exemption cards.
Ito ang nilinaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya matapos na makatanggap ng ulat na mayroong mga COVID-19 vaccination exemption cards na lumilitaw ngayon.
Nabatid na ang mga naturang hindi otorisadong cards ay nagmula sa Facebook groups at group chats sa Davao at Soccsksargen.
Sinasabing maaari itong iparehistro sa local government units (LGUs) at kinikilala bilang kapalit ng COVID-19 vaccination cards.
“Sa biglang tingin aakalain itong tunay dahil pareho ng kulay, format at hitsura,” aniya pa.
Nanawagan si Malaya sa mga lokal na otoridad na maging mas vigilante sa pag-iinspeksiyon nila ng mga vaccination cards sa mga provincial at regional borders, habang umiiral pa ang restriksiyon para sa mga hindi bakunadong indibidwal.
- Latest