^

Punto Mo

‘No vax, no ride’, arangkada na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

ARANGKADA na ngayon araw ang pormal na pagpapatupad sa ‘no vaccination, no ride’ policy sa mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila habang umiiral sa rehiyon ang Alert Level 3.

Kaya ipinaalala sa riding public dalhin o laging ikuwintas ang inyong vaccination card, dahil magiging mahigpit sa pagpapatupad sa naturang panuntunan.

Kung meron namang mga driver o konduktor na magpapalusot ng hindi bakunado, may babala ang Department of Transportation (DOTr), magpapakalat din umano sila ng mga ‘secret passenger’ na magmamasid sa mga sasakay. At kapag may pinalusot, aba’y lagot mas matindi umano ang magiging kaparusahan sa driver at operator.

Sa multa pa lang mataas na, P5K multa sa unang paglabag, P10K sa ikalawa at P15K sa ikatlo at nanganganib pang makansela ang prangkisa.

‘Wag na wag din umanong mamemeke ng vaccination card ang mga commuters dahil may nakalaan din ditong karampatang parusa sa mga mahuhuli.

Layon ng naturang panuntunan na mabawasan ang hawaan sa COVID lalo na nga’t kinumpirma na ng Department of Health (DOH) na meron nang community transmission ng Omicron kaya nga mabilis ang naging pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso nito sa nakalipas na mga araw.

Inaasahan pa umano na tataas o baka madoble pa pagdating ng Pebrero.

Huwag naman sana at sana nga ay naabot na peak ng kaso dahil sa nasabay na rin sa naranasang malamig na klima.

Maging sa ibang bansa naman na ngayon nga eh nararamdaman ang matinding lamig ng panahon talagang naging matindi rin ang pagtaas ng kaso.

Yun nga lang dahil na rin marahil sa marami na rin ang nabakunahan, tamaan man ng virus hindi na kasing grabe katulad ng dati.

Katunayan na epektibo talaga ang bakuna. Kaya naman yung wala pang bakuna, pinalilitahan ang kanilang galaw dahil nga naman mas lantad sila na dapuan ng virus at makapanghawa.

Samantala, dapat na matutukan din ang mga enforcer na baka na naman gamitin ang bagong polisiya sa kanilang pangha-harass sa mga driver para maka-pangingikil.

Ito rin naman ang dapat na mabantayan ng mga kinauukulan, may ilan kasing enforcer ang ginagamit ang mga bagong polisiya para pagkakitaan.

Iwasan din ang pagsusuplado at pagbibitiw ng hindi maayos na salita, sana laging pairalin ang pagiging magalang.

Kapag nagsalubong ang init ng ulo sa pagitan ng sumita at sinita, aba’y alam na ninyo ang kasunod nyan, gulo yan.

Tututukan ng inyong Responde ang magiging kaganapan sa mga lansangan sa unang araw nang pagpapatupad sa ‘no vax, no ride’ policy na ito.

  

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with