^

Police Metro

2% COVID-19 case growth rate naitala sa NCR

Mer Layson - Pang-masa
2% COVID-19 case growth rate naitala sa NCR
Base ito sa ulat na ibinahagi ni Dr. Guido David, ng independent monitoring group na OCTA Research, sa kanyang Twitter account.

MANILA, Philippines — Nitong nakalipas na pitong araw ay nakapagtala na lamang ang National Capital Region (NCR) ng 2% na COVID-19 case growth rate.

Base ito sa ulat na ibinahagi ni Dr. Guido David, ng independent monitoring group na OCTA Research, sa kanyang Twitter account.

Ayon kay David, na­ngangahulugan ito na ang mga bagong kaso ng sakit sa rehiyon ay malapit na sa peak o di kaya ay maaa­ring dulot rin ng limitadong testing capacity.

Sinabi ni David na ang NCR ay nakapagtala ng 18,422 bagong impeksiyon noong Sabado na pasok sa kanilang range of expectations.

Dahil dito, ang daily growth rate ng rehiyon sa seven-day average ay bumaba na lamang sa 2%, kumpara sa 3% na naitala noong Biyernes.

Ipinaliwanag naman ni David na ang naturang downtrend sa growth rate ay mayroong dalawang maaaring rason.

Una, ang trend ng mga bagong kaso ng sakit sa NCR ay malapit na sa peak at ikalawa, maaa­ring ang volume of testing ay hindi sapat dahil sa rami ng mga bagong kaso.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with