^

Punto Mo

‘Variant’ ng mga kawatan, ingatan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

HABANG papalapit nang papalapit ang holiday season dapat mas lalong pag-iingat ang dapat na masumpungan.

Hindi nga lang pag-iingat sa COVID, lalu pa nga at may bagong binabantayang variant ang Omicron, kundi dapat ding mag-ingat sa ‘variant’ ng mga kawatan.

Laging ipinapaalala ng kapulisan sa publiko na kapag ganitong panahon, talamak at nandyan ang mga pagsasamantala ng mga kriminal na kawatan.

Tandaan ibat-ibang modus at estilo ang inihanda ng mga ito na dapat na maingatan.

Ayon sa PNP, nakaagapay sila para bigyang proteksyon ang ating mga kababayan laban sa pagsalakay ng mga kawatan.

Nandito nga’t, iniulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagbaba ng crime rate na naitala sa Metro Manila dahil sa pinaigting nilang kampanya sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Base sa report ng Regional Investigation and Detective Management Division, umaabot sa 97,208 crime incidents ang naitala mula Nobyembre 10, 2020 hanggang  Disyembre 5, 2021,  na 15 porsiyentong pagbaba kumpara noong Oktubre 15, 2019 hanggang  November 9, 2020 na 114,787 crime incidents.

Mahigpit ang naging kautusan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major Gen. Vicente Danao, Jr. na mas paigtingin ang police visibility upang mas maging kampante at mabigyan ng seguridad ang publiko.

Mas lalong hinahanap ng publiko ang maraming nakakalat na pulis sa mga matataong lugar.

Partikular dito ang mga malls na ngayon nga ay mas maraming tao ang nasusumpungan dito, mga terminal, pantalan kung saan marami sa ating mga kababayan ang mag-uuwian ngayong holiday season.

Napag-aralan na yan ng mga kawatan, kung saan ang mga lugar na maraming bilang ang pwede nilang biktimahin, doon maglalagi ang mga yan kaya doon mas dapat higpitan ang pagbabantay.

Kaya nga, ingat tayo sa COVID, ingat din sa mga mandarambong na kawatan.

 

vuukle comment

COVID-19 VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with