Ikakasa sa Disyembre 15-17 7 milyong Pinoy target mabakunahan sa 2nd vax drive ng government
MANILA, Philippines — Target ng pamahalaan na bakunahan ang may pitong milyong katao sa ikalawang round ng Bayanihan, Bakunahan na ikakasa sa Disyembre 15 hanggang 17.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, ito ay para makamit ng pamahalaan ang 54 milyong target na fully vaccinated na mga Filipino bago matapos ang taong kasalukuyan.
“Ang tinatarget natin dito mga 7 million para sa second dose para maabot yung pinupuntiryang 54 million by end of the year na nabigyan ng kumpletong bakuna,” lahad pa nito sa Laging Handa public briefing.
Sa ngayon, nasa 38.7 milyon ang fully vaccinated sa Pilipinas.
Matatandaang sa unang round ng Bayanihan, Bakunahan, umabot sa 10.2 milyon ang nabakunahan noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 3.
- Latest