COVID-19 deaths inihiwalay ng reporting — DOH
MANILA, Philippines — Dahil sa pagloloko ng COVIDKaya system ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ay nagdesisyon ang Department of Health (DOH) na ihiwalay sa arawang case bulletin ang pag-uulat ng mga nasawi sa COVID-19.
Sa pamamagitan ng manual na pagkuha ng datos, nagdagdag kahapon ang DOH ng 102 deaths na kabilang ang mga backlogs para tumaas ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa 37,596.
Sinabi ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman na nagkaproblema ang service ng COVIDKaya system mula Setyembre 23 hanggang 26 kaya nagkaroon ng pagkaantala sa pagtatala at balidasyon ng mga nasawi na dulot umano ito ng limitadong kapasidad ng server ng COVIDKaya.
- Latest