^

Police Metro

Private hospitals aapaw na sa COVID-19

Danilo Garcia - Pang-masa
Private hospitals aapaw na sa COVID-19
Ito ang sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI) president Dr. Rustico Jimenez makaraang tanungin tungkol sa estado ng mga ospital nang ideklara ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City at Taguig City, maging sa Makati Medical Center, na full capacity na ito sa COVID-19 intensive care unit beds.
Philstar.com/John Nicole Y. Villamayor

MANILA, Philippines — Malapit nang umabot sa full capacity ang mga pribadong ospital para sa mga kaso ng coronavirus disease sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga tinatamaang pasyente.

Ito ang sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI) president Dr. Rustico Jimenez makaraang tanungin tungkol sa estado ng mga ospital nang ideklara ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City at Taguig City, maging sa Makati Medical Center, na full capacity na ito sa COVID-19 intensive care unit beds.

Bukod pa rito, mas marami rin aniyang pas­yente na may mild na kaso ang pinipiling manatili sa mga pribadong ospital kumpara sa mga isolation facilities na pinangangasiwaan ng pamahalaan.

Sumang-ayon din si Jimenez na nasa danger zone na ang kapasidad ng COVID-19 facilities sa Metro Manila, subalit mas handa na ang mga health facilities kumpara sa mga unang buwan ng pandemya sa bansa.

Matatandaan ding naglabas ng kautusan ang Department of Health (DOH) sa mga ospital na maglaan ng 30 porsyento ng resources nito para sa mga pasyente ng CO­VID-19, bagama’t kinikilala nito na hindi lahat ng ospital ay kayang sumunod sa utos na ito dahil sa iba’t ibang resources nito.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with