COVID-19 patients wala nang home quarantine
MANILA, Philippines — Para maiwasan ang pagkahawa ng virus sa iba pang taong nasa loob ng kanilang tahanan ay hindi na hinihikayat ng gobyerno ang home quarantine sa mga indibidwal na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, nais aniya ng gobyerno na sumailalim sa facility quarantine ang mga pasyente.
“So we’re now shifting na kung mahawa, kahit asymptomatic, mas bibigyan ng priority na doon mag-facility quarantine. Anyway, marami pa naman tayong mga facilities na maka-accommodate ng mga mild cases,” pahayag ni Nograles.
“Yun ang ating mas ipo-focus ngayon na hindi na masyado doon sa home quarantine. Kung merong mga cases, dapat facility quarantine na sila,” dagdag pa nito.
Noong Sabado ay naitala na ang 54,222 kaso ng COVID-19 habang 14,037 ang nakarekober, at 1,372 naman ang nasawi.
- Latest