^

Pang Movies

DOH na-bash kay Alden?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Pagkalabas pa lamang ng video ng Department of Health (DOH) para ipakilala si Pambansang Bae Alden Richards na bago nilang ambassador para sa #BIDAChampion at #BIDASolusyon sa COVID-19, may mga nang-bash na sa DOH at kay Alden na rin.

May pambayad daw pala kay Alden ang DOH pero wala silang pambayad sa mass testing ng mga taong magbabalik-probinsiya.

Tinanong namin ang manager ni Alden kung may talent fee ang actor mula sa DOH, “wala po, libre” ang video shoot nito na nagpaalaala sa pamamagitan ng salitang BIDA.

Rocco at dyowa, bumiyahe para mamigay ng tulong

Bilang isang Philippine Navy Reservist, hindi nahirapan si Kapuso actor Rocco Nacino na humingi ng tulong sa kanila para makapagdala ng ayuda sa mahigit na 200 senior citizens sa Talim Island, sa Rizal province.  Kasama ang Philippine Navy at ang girlfriend na si Melissa
Gohing, namigay sila ng tulong sa pamamagitan ng Help From The Heart ang fundraiser nila ni Melissa.

Hindi naging madali ang pagbibiyahe nila papunta sa Talim Island, ang isla na nasa gitna ng dagat. “Kailangan mong i-biyahe by boat so pumunta muna kami sa isang port.  Sasakay ka ng bangka doon, hanggang sa makarating ka sa barangay, ganoon siya kalayo.  Kaya ang pasasalamat namin sa Philippine Navy dahil hindi namin magagawa iyon kung wala sila.”

Tuwang-tuwa naman ang senior citizens na una nilang beneficiaries.

Pagkatapos sa Talim Island, nagpunta pa sina Rocco at Melissa sa ilang lugar doon para bigyan naman ng tulong ang frontliners na naka-assign sa mga checkpoint na dinaanan nila.

Nakakabuti kay Rocco ang ginagawa niyang pagtulong sa mga nanga-ngailangan para hindi siya mainip sa pagbabalik nila ng taping ng Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with